Wednesday, October 10, 2012

KAHIT SANDALI: Part 13

JHAY


This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional. 


PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)

 ***********************************************************


Tinanghali na ako ng gising kinaumagahan. Nang tingnan ko ang oras ay alas nueve na pala ng umaga. Matapos magsipilyo ay tinungo ko ang kwarto kung saan natulog si Byron ngunit nang pasukin ko ang kwarto ay wala na ito.


"Baka nakababa na.", naisip ko nalang.


Nang makababa ako nakita ko si Jake na kumakain.


"Anak, ang tito Byron mo?", tanong ko rito.


"Umalis na po Daddy. Ibigay ko daw po 'to sa'yo sabi niya.", sagot naman nito sabay abot ng isang piraso ng papel sa akin. 


Good morning!! Don't be late for the company party later. :)


Iyon ang nakasulat sa papel.


I almost forgot about the company gathering.

 
"Salamat anak.", nasabi ko.

 
Agad akong bumalik sa kwarto para maligo. Kailangan ko pa kasing bumili ng regalo para sa mga empleyado ko. Taon-taon na ginaganap ang company gathering na ito. Dito ko kasi naipapakita sa mga tauhan ko na talagang importante sila sa kompanya. Ika nga nila, taking care of your employees is like taking care of your business, only better.

 
Nang matapos akong maligo ay dali-dali akong nagbihis at umalis ng bahay papunta sa pinakamalapit na mall. 


 
Halos maikot ko na ang buong mall. Halos bawat sulok natingnan ko na rin, pero hindi pa rin ako makakita ng ireregalo sa mga empleyado ko. Saka ko naalala ang nag-iisang hilig nilang lahat, Lahat sila mahilig kumanta.

 

Nagmamadali kong tinungo ang corner kung saan may stall ng magic sing at bumili para sa mga empleyado ko.Medyo may kamahalan pero okay lang dahil malaki rin naman ang kita ng kumpanya at bukod pa roon ay may kita rin ang negosyong iniwan ng mga magulang ko.

 
Nang matapos sa pamimili ay agad akong dumiretso sa opisina kung saan gaganapin ang party. Nang makarating ako ay naroon na silang lahat pati si Byron.

 
"O, akala ko di ka na dadating eh.", puna nito nang makita akong pumasok sa function hall ng building.

 
"Pwede ba naman yun? Kelan ba ako umabsent sa company party ha?", balik ko rito.

 
Nagkatawanan ang lahat. Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang kasiyahan.

 
"Okay guys, I have a gift for everyone. Uhm, since everyone in this company is a music enthusiast, I've decided to give you all something that you can use to pass by time when you're bored."

 
At ipinamahagi ko na sa kanila ang mga kahon ng magic sing.

 
"Wow, Sir Al, ang bait nyo talaga!" sabi ng isa sa mga empleyado.

 
"Ikaw talaga Mae, sinasabi mo lang naman yan pag may binibigay ako sa inyo eh.", sagot ko naman.

 
At nagkatawanan ang lahat.

 
"Ok, syempre pa, hindi makukumpleto ang party 'pag walang nangyaring kantahan di ba?", sigaw ng isang empleyado.

 
"Alam nyo bang sa tinagal-tagal nating nagtatrabaho para sa masungit nating boss, eh hindi pa natin siya naririnig kumanta, kahit minsan man lang?", hirit naman ng isa pa.

 
"Oo nga.", kantyaw naman ng iba pa.


"Pagbigyan mo na kasi.", si Byron.


Tumango nalang ako. Naghiyawan naman ang mga luko-lokong mga empleyado ko. Mabilis nilang inayos ang karaoke para makapagsimula na. Pumili naman ako ng kanta at nang makapili ay nagsimula na rin ako kaagad. 

 
I Won't Let You Go

<embed type="application/x-shockwave-flash" wmode="transparent" src="http://www.google.com/reader/ui/3523697345-audio-player.swf?audioUrl=http://www.aimini.net/view/?fid=PZWhYw7rS7zi371Gzb65" height="27" width="320"></embed>
"I Won't Let You Go"


When it's black
Take a little time to hold yourself
Take a little time to feel around before it's gone
You won't let go but you still keep on falling down
Remember how you save me now from all of my wrongs
Yeah



If there's love just feel it
And if there's life we'll see it
This is no time to be alone, alone yeah
I won't let you go


Say those words
Say those words like there's nothing else
Close your eyes and you might believe
That there is some way out
Yeah


Open up
Open up your heart to me now
Let it all come pouring out
There's nothing I can't take


And if there's love just feel it
And if there's life we'll see it
This is no time to be alone, alone yeah
I won't let you go
(Won't let you go)
(Won't let you go)


If your sky is falling
Just take my hand and hold it
You don't have to be alone, alone yeah
I won't let you go
(Won't let you go)
(Won't let you go)


And if you feel the fading of the light
And you're too weak to carry on the fight
And all your friends that you count on have disappeared
I'll be here not gone, forever holding on


If there's love just feel it
And if there's life we'll see it
This is no time to be alone, alone yeah
I won't let you go
(Won't let you go)
(Won't let you go)


If your sky is falling
Just take my hand and hold it
You don't have to be alone, alone yeah
I won't let you go
(Won't let you go)
(Won't let you go)


I won't let you go
I won't let
I won't let you go
No, I won't let
I won't let you go
I won't let you go




Nang matapos ako sa pagkanta ay nanatiling nakatulala ang mga empleyado ko.

 
"O, ba't ganyan ang mga mukha nyo?",tanong ko sa kanila.

 
"Sir, ang galing nyo po palang kumanta 'no?"

 
Tumawa ako. "Marunong lang. Hindi magaling. Ayan si Byron oh, magaling kumanta yan.", sagot ko naman.

 
Nagsimulang pumalakpak si Byron, na sinundan naman ng iba pang mga empleyado.

 
Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.


"Oh, ayan tuloy, namula.", kantyaw ni Byron, saka sabay-sabay kaming nagkatawanan.


Mag-uumaga na nang matapos ang party. Isa - isa na ring nagsiuwian ang mga nagsidalo hanggang sa dalawa nalang kaming natira ni Byron sa opisina. Nagsimula na rin akong magligpit ng mga kalat. Tinulungan naman ako ni Byron.


Nang matapos at masigurong ayos na ang lahat ay umuwi na rin kami ni Byron. Niyaya ko itong sa bahay nalang matulog ngunit tumanggi ito. 


"Sige na Al, mauuna na ako.", sabi nito.


"Ah, sige. Mag-iingat ka sa pag-uwi.", nasabi ko nalang.


Ngunit bago pa man ito makalabas ng pintuan ay bigla itong bumalik at laking gulat ko nalang nang hinalikan ako nito.


Natigilan ako. Maya-maya pa ay napansin kong gumaganti ako sa mga halik nito.


Nang medyo lumalim ang halik ay bigla ko itong itinulak.


Nagulat naman si Byron.


"I - I'm sorry.", sabi nito.


"I - It's okay, we were both drunk. Umuwi ka na Byron.", sabi ko rito.


Tumango lang ito saka umalis din.


"Was it really because we were drunk?", naisip ko.


ITUTULOY.....

Tuesday, June 12, 2012

My Heart Won't Say "NO": Chapter 1

JHAY




This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional. 

PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)

 ***********************************************************

Nagising ako sa dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko sa boarding house. Maingay na sa labas ng kwarto. Marahil ay gising na karamihan sa mga kasamahan ko sa boarding house. Inabot ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.



7:38 A.M.



"Shit!"



Dali-dali akong bumangon.


"Malelate na naman ako nito eh.", naisip ko.


Dali-dali akong nagpunta ng banyo para maligo. Nang matapos ay saka ko naalalang hindi ko ko pala nadala ang tuwalya ko.


"Nate!!", sigaw ko.


"Nate!", sigaw ko ulit.


"Anong problema mo?!! Sarap ng tulog ko eh sumisigaw ka dyan!", asik ni Nathan na isa sa mga itinuturing kong bestfriend.


"Eh, sorry na, kasi, nakalimutan ko 'yung tuwalya ko eh, pakikuha naman oh.", pakiusap ko rito.


"Pakshet!! Binulabog mo ang tulog ko para lang kunin ang tuwalya na nakalimutan mo dahil dyan sa katangahan mo?! Ayos ka rin ah!"


"Sige na. Kukunin mo rin naman eh, andami mo pang sinasabi. Kunin mo na dali, nilalamig na ako dito oh.", sabi ko sabay pa-cute.


"Pakyu! Sa susunod, magdusa ka dyan! Minsan kasi bawasan naman yang katangahan!", sabi nito bago bumalik sa kwarto namin para kunin ang tuwalya ko.


Sanay na ako sa ugali ni Nathan. Sa dalawang taon na naging roommates kami ay alam ko na ang takbo ng bituka nito. Ang totoo nya eh, mabait naman talaga yun. Medyo masakit lang talaga magsalita minsan pero siguradong maaasahan mo yun kapag nangailangan ka. Nang minsan ngang magkasakit ako eh, ito ang walang sawang nag-alaga sa 'kin. Naging takbuhan ko na rin si Nathan sa t'wing may problema ako at kailangan ko ng payo.


Binilisan ko ang pagbihis nang makabalik ako sa kwarto habang si Nathan naman ay bumalik sa higaan nito at napikit ulit.


"Hoy! Hindi ka papasok?", tanong ko rito habang nagbibihis.


"Hindi. Tinatamad ako eh. Isa pa, inaantok pa ako."


"Eh sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yong umuwi ka ng alas cinco ng umaga? Ha?"


Imbes na sumagot ay kinuha nito ang isang unan at itinakip sa taenga nito. Halatang ayaw makinig sa sermon. Ganyan naman palagi yan kapag alam na mali siya eh. Hindi nakikinig.


"Ay naku, bahala ka, basta 'pag ako tinanong ni Solimbad kung saan ka, sasabihin kong tulog."


Agad itong humarap sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin.


"Oh, easy lang. Biro lang naman Nate.", sabi ko sabay ngiti. "Pano, una na ako. Pumasok ka sa Integral Calc ha. Alam mo namang ikaw lang ang pag-asa kong makapasa sa subject na 'yun eh."


Tumango naman ito at muling itinakip sa taenga ang unan na handa niya na sanang ibato sa akin kanina.


 ******************************************************


Nang dumating ako sa eskwelahan ay nagsisimula na ang klase.


"Naku, patay na naman ako nito.", sa isip ko.


"And of course, what should I expect from you Mr. Ergela. Take a seat, get a piece of paper and answer the remaining questions that I am about to ask.", sabi ni Mr. Solimbad nang makita ako nito sa pintuan ng classroom.


"Sorry po Sir.", nasabi ko nalang saka dumiretso sa lagi kong pinipwestuhan sa silid na iyon.


"Pambihira naman oo. Kakasimula palang ng sem eh may quiz na agad!", reklamo ng utak ko.


Mag-dadalawang linggo palang kasi ang klase nang masimula ang first semester pero andami nang nai-discuss nitong si Sir Solimbad. Ambilis. Daig pa si Son Gokou.


Natapos ang quiz na parang lumulutang ako at wala sa sarili, dahil na rin siguro sa inaantok pa ako. 


Nasa gitna ng lecture si Solimbad nang may kumatok sa pintuan. Hindi ko kilala pero sa palagay ko ay halos kasing-edad ko lang ito.


"Hi. Uhm, Is this CSM 7? Algorithm Design and Analysis?", sabi nito.


"Yes. And you are?", tanong naman ni Solimbad.


"Ah, Christian Sir. Christian Atienza."


"Oh, yes, the transferee. I was informed about you. But I didn't expect that you'd come late on your first day here in this institution. Come in and introduce yourself."


Pumasok naman ito at pumunta sa gitna at nagpakilala.


"Good morning everyone. Ako nga pala si Christian Atienza, gaya ng sabi ko kanina, and I'm a transferee from St. Martin's University. I'm 19, single, and available to everybody.", pagpapakilala nito na ikinatawa ng lahat bago bumaling kay Solimbad at nagsalitang muli. "And oh, I was at the Dean's office since 7:30 this morning fixing my schedule that's why I was late Sir."


"Ok. Now find a seat and get comfortable, we're gonna be seeing each other a lot from now on so you better have a rain check on your attitude Mr. Atienza.", si Solimbad. Halatang hindi natuwa dahil nabara ni Christian.


Nagsimula na ulitmag-lecture si Sir. Habang si Christian naman ay naghanap ng mauupuan. Ngunit binabagabag ako ng huling sinabi nito nang magpakilala ito.

 

"I'm 19, single, and available to everybody."



Ano kaya ang ibig sabihin niya nun? Nabasag and pag-iisip ko nang biglang may magsalita sa tabi ko.



"Hi. I'm Christian.", sabi nito na naka all-out smile pa talaga.


"Ah-eh, Jec.", parang tanga kong sagot dito saka muling humarap sa whiteboard.
"At sa lahat ng pwede nyang upuan, dito pa talaga sa tabi ko ha. Ayus din tong isang to ah."


"Uhm, pwede bang humingi ng pabor?", muli nitong sabi. 


"Ayos rin to ah, close ba kami para humingi ng pabor sa 'kin?!", reklamo ng isip ko.


"Ah - eh, basta hindi pera. Pulubi lang ako.", sagot ko rito.


"Pwede bang, makipagkaibigan ako sa'yo. Wala pa kasi akong kilala dito eh, magmumukha akong tanga tuwing klase at breaks kung ako lang mag-isa ang pagala-gala dito sa school pag ganun.", sabi nito saka muling ngumiti.


Hindi nakaiwas sa 'kin na maganda ang ngiti nito. Saka ko lang rin napansin na gwapo talaga ito. He has a kind of messy hairdo pero straight ang buhok, yung parang Adam Lambert lang na style. He has pinkish lips na slightly manipis. Medyo makapal rin ang kilay nito na talagang nagpalabas ng mga mata nito. He has brown eyes.

 "So what do you say?", tanong ulit nito nang hindi ako nakasagot.



"Ah -, s-sige ba.", sabi ko.



"Why do I hear talking?!!!", bulyaw ni Solimbad dahilan para mapako ang atensyon ng lahat sa kanya.



Nagkatinginan kami ni Christian at maya-maya pa ay sabay na napangiti.




Nang matapos ang klase ay saka rin dumating si Nathan. Tinawag ako nito mula sa labas ng classroom. Pinuntahan ko naman 'to.




"Anong meron?", tanong nito.




"Ha?", pagtataka ko.




Itinuro naman nito ang loob ng classroom. Lumingon ako at nakita kong pinagkakaguluhan na pala si Christian ng mga kaklase naming babae at bakla.




"Ahhh, may transferee kasi. Ayun, pinagkaguluhan."


Napatango naman si Nathan.


"Oh, canteen muna tayo. 30 minutes break pa naman bago sa next subject di ba?"


"Sige. Kukunin ko lang bag ko."


Dali-dali kong kinuha ang bag ko sa upuan ko at saka binalikan si Nathan.


"Tara.", yaya ko rito.


May tatlong classroom na rin ang nalalampasan namin ni Nathan nang may tumawag sa akin mula sa likuran.


"Jec!", si Christian.


Nilingon ko naman ito. Tumakbo ito patungo sa amin ni Nathan.


"Akala ko ba sabay tayo, eh iniwan mo naman ako eh.", may pagtatampo nitong sabi.


"Ah eh, busy ka pa kasi kanina eh. Akala ko gusto mo munang makilala ang mga kaklase natin.", sagot ko naman.


"Ehem.", pagtikhim ni Nathan na panandalian kong nakalimutan.


"Ay, oo nga pala. Christian, si Nathan nga pala, best friend ko. Nathan si Christian, bago nating kaklase.", pagpapakilala ko sa dalawa. 



"Hi.", nakangiting wika ni Christian saka inilahad ang palad nito.



"Hey.", sagot naman ni Nathan ngunit imbes na tanggapin ang kamay ni Christian ay naglakad na ito patungong canteen.



"Pagpasensyahan mo na yun ha. Ganyan talaga yan, kahit sa 'kin nong first year palang kami. Ni hindi nga talaga sumagot yun eh, tiningnan lang ako tas umalis.", paghingi ko ng dispensa kay Christian.



"Ah, ganun ba. Nakakatakot naman 'yung bestfriend mo.", sabi nito na ikinatawa ko.




"Masanay ka na. Magiging kaklase mo rin yun."



Isang batok ang natanggap ko mula sa likuran.

 

"Ayos kayo no, kung pag-usapan nyo ako parang wala ako dito ah.", si Nathan.



"Aray naman Nate, masakit yun ah. Tara na nga. Punta na tayong canteen. Sumama ka na rin Chris."



"Ah eh, ayos lang ba?", paninigurado nito saka tumingin kay Nathan.




"Ayos lang yan, di ba Nate? Isama na natin to, para naman tropa na tayo.", sabi ko naman.



"Hindi naman ako tumutol ah."



At nagpunta na nga kami ng canteen.



****************************************************




ITUTULOY.....

Monday, June 4, 2012

I Failed (Getting Over You)

JHAY




This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional. 

PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)


*************************************************************


How do you move on from someone whom you've been in love with for so long? How do you teach your heart to forget?


You don't.



Pasado alas tres na noon, araw ng Sabado. Naglilibot ako sa department store ng mall na malapit sa amin. Naging ugali ko na ito. Let's say, a once a month habit. Pina-pamper ko ang sarili ko. After a month long of nothing but work, ito ang nagiging stress reliever ko.


♫♪ Yellow diamonds in the light,
We were standing side by side ♫♪


"Hello Anj.", sagot ko sa tawag ng kaibigan kong si Angellie.


"Hello Unat, asan ka?", tanong nito.


"The usual, sa department store."


"Sige sige, on the way na ako. See you later!"


Iyon lang at tinapos na nito ang tawag.


Habang pumipili ako ng damit ay dumating si Angellie.


"Huy!", panggugulat nito sa akin.


"Anj, kanina pa kita nakita, papasok ka palang ng department store."


"Ay! Anu ba yan. Sayang naman ang effort ko.


Tumawa nalang ako sa reaksyon nito.


"Okay, which one?", tanong ko rito sabay taas ng isang plain cyan colored shirt at isang plaid polo shirt.


"Hmm, you'll look good in both but I like yung blue shirt Unat.", sabi nito.


"Oh, okay, I'll buy both.", sabi ko sabay ngiti.


"Huwaw naman! Mayaman si Jonathan oh."


"Hindi ako mayaman. Once a month lang.", sabi ko naman sabay tawa.


"Eh di timing pala, ililibre mo ako later!", masiglang deklara nito sabay pa-cute.


"Hmmmm. Hindi rin.", sagot ko rito.


"Ok ka na sana eh, kuripot ka lang talaga!", pang-aasar nito.


Tinawanan ko nalang ang sinabi nito at saka nagpunta sa pinakamalapit na cashier counter. Habang nakapila ay may bigla akong naalala.


"Anj, ikaw na muna pumila dito ah. May nakalimutan lang ako."


"Eh! Ayoko nga noh. Ang haba kaya ng pila."


"Sige na, ililibre kita mamaya.", pangungumbinsi ko rito.


"Hmm, sige! Go!", masaya naman nitong tugon.


Dali-dali akong umalis at tinungo ang rack ng mga panyo. Matapos pumili ay bumalik ako sa counter.


Tamang-tama ang dating ko dahil si Anj na ang sunod na magbabayad. Binayaran ko ang mga pinamili saka sabay kaming umalis ni Angellie patungo sa isang coffee shop sa labas ng mall.


Naging paborito na naming tambayan ang coffee shop na ito dahil dito kami madalas nagkakasundong magkita-kita kapag may mga lakad. Dito rin kami unang nagkakilala ni Angellie kaya naman espesyal sa amin 'tong lugar na ito.


Si Angellie ang umorder ng pagkain at drinks namin. Siya na rin ang nagbayad.


"Akala ko ba magpapalibre ka ngayon?", amused kong tanong nang makabalik ito sa table namin.


"Mamaya mo ako ililibre, 'pag nag-night out na.", sabi nito.


Tumawa nalang ako.


"Now...", simula nito.


"Sabi ko na nga ba."


"What?", tanong nito.


"Sasabunin mo na naman ako eh. Kaya pala hindi ka nagpalibre ngayon."


"You know me too well.", sabi nito.


"Okay, spill it.", pag-udyok ko rito.


Tumikhim ito.


"Bumili ka na naman ng panyo.


It wasn't a question, it was a statement. I can sense the sarcasm in her words.


"Yeah.", maikli kong tugon. Alam kong marami na naman itong sasabihin and as usual, makikinig lang ako.


"Nath, this is stupid. I told you over and over again that you should forget him. Hindi na maganda 'yang ginagawa mo. Hindi yan nakakatulong sa'yo.", simula nito. "Why do you keep on lingering in the past? Move on already! I can't watch you crash and burn ever again."


Malaki ang utang na loob ko kay Angellie. Unang-una, dahil hindi ito nagbago nang malaman nitong isa akong bisexual. Pangalawa, dahil naging kasama ko ito sa lahat ng kalokohan ko. Pero higit sa lahat, ay dahil hindi ako nito iniwan nang nawala sa akin ang lahat. She was there during my downfall and she's still there for me.


"I'm okay Anj. No need to worry. It's just that, maybe old habits do die hard."


Nanahimik ito.


"Sir, order nyo po.", sabi ng waitress na nag-serve ng mga inorder namin.


Hindi naman nakaiwas kay Angellie ang pagpapacute nito sa akin. Nang maka-alis and waitress ay muli itong nagsalita.


"How long has it been?", tanong nito.


"Since what?", balik-tanong ko rito.


"Since iniwan ka niya?"


Natigilan ako sandali.


"Five years na sa Martes.", sagot ko nang makabawi.


"Five years and you've never had a stable relationship again since that five-month affair of yours with Alex! Jeez Nath! Andaming nagkakagusto sa'yo, babae o lalake, but because you refuse to let go of that memory, hindi mo napapansin 'yun. Don't get me wrong Nath, nagmamalasakit lang naman ako. I don't want to see you get hurt again. Why can't you just let go?"


"I'm sorry for making you worry Anj. But you can't worry about me forever.", sabi ko saka ngumiti. "Pero kahit anong gawin ko Anj, kahit anong pilit ko sa sarili, hindi ko siya magawang kalimutan. He's still the only person who can make my heart beat faster and stop me from breathing at the same time. At hindi ko rin itatangging hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. But I won't let myself go down in flames again. So let's just drop it for now. Okay?"


Napabuntunghininga nalang si Angellie.


"Oh sige na.  Basta sigurado ka ha!"


"Oo nga. Inumin mo na nga yang kape mo, malamig na yan maya-maya eh."


"By the way, ilan na lahat ng panyong nakatambay sa kwarto mo?", tanong nito.


"Hmmm, isa kada buwan, for five years, so that makes, 59. Pang 60 yung binili ko kanina.


Marami pa kaming napag-usapan ni Angellie hanggang sa magyaya itong umalis papuntang disco bar kung saan naghihintay ang iba naming mga kaibigan.


Masaya pa rin kaming nagkekwentuhan ang biglang nabangga ako sa isang costumer na papasok sa coffee shop. Nalaglag ang mga hawak nitong gamit.


"Oh,my, I'm so sorry.", nasabi ko nalang habang pinupulot ang cellphone nito at panyong nalaglag.


"Oh.....My.....God....", narinig kong sabi ni Angellie dahilan para tingnan ko ito.


Nakita kong gulat na gulat itong nakatitig sa direksyon ng taong nakabangga ko kung kaya sinundan ko ang direksyon nito at mas nagulat ako sa nakita.


"ALEX!!!", sigaw ng utak ko.


Tiningnan ko ang panyong hawak ko at nakita ko ang initials na A <3 J. Ito ang puting panyo na ibinigay ko sa kanya bago kami tuluyang maghiwalay.


"It really is him!", sabi ko  sa sarili.


Nagsimulang mamuo ang mga luha ko ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.


Agad ako nitong niyakap ng mahigpit at bumulong sa tenga ko.


"Sa wakas, after all these years, nakita na rin kita.", si Alex.


Agad na naglaglagan ang mga luha ko sa narinig at naramdaman ko ring nabasa ang suot kong damit sa bandang balikat.


"Umiiyak siya?", tanong ko sa sarili.


There will always be that one person in your life that no matter how much they hurt you, you're still willing to take them back with arms wide open. Because there are things that even time can never erase.

WAKAS.

Saturday, May 26, 2012

Somewhere in the Middle

"Argh!", nagising akong masakit ang ulo.


Hangover na naman.


Adik naman kasi yung mga katrabaho ko eh. Lagi nalang, basta day off, mag-aayang uminom. Wala naman din akong magawa dahil mapilit ang mga abormal na 'yun.


Bumangon ako't tinungo ang C.R. para maghilamos. Nang matapos ay inabot ko ang face towel na nakasampay sa kanang bahagi ng lababo at pinunasan ang mukha ko.  Nag-angat ako ng tingin.



Ang laki na talaga ng ipinagbago ko simula nang magtrabaho ako bilang CSR sa isang call center. Napagtuunan ko ng pansin ang sarili ko. Pumuti ako, kuminis ang balat. Hindi na rin gaanong halata ang mga butas na dulot ng pimples sa mukha ko. Ngunit kasabay ng mga magandang pagbabago, natuto rin akong uminom at manigarilyo. Naging manhid sa mga taong nagpapahayag ng damdamin at naging mapaglaro sa larangan ng pag-ibig.


I smiled.


Kinuha ko ang sipilyo at sinimulang linisin ang mg ngipin ko. Nang matapos ay bumalik ako sa kama at ginisin ang lalaking nakaniig ko nang nagdaang gabi.


"Hoy! Bumangon ka na dyan. I need to go to work in a while. ", sabi ko rito.


He smiled. Gwapo rin sana 'tong mokong na 'to eh, kaya lang masyadong maraming sabit. Kaliwa't kanan ang karelasyon.


"Good morning!", bati nito. "You always kick me out of your house after a night of pure fun and enjoyment. Kelan mo naman ako hahayaang makapiling ka ng mas matagal sa isang gabi Mike?"


"Never."


Sanay na ako sa mga banat nito. Siguro kung may bayad lang na tinatanggap tong kumag na to sa tuwing babanat, malamang,mayaman na 'to.


Napatawa nalang ito sa sagot ko.


Tumayo ito at tinungo rin ang C.R. para maligo. Natawa ako sapagkat wala man lang itong suot na kung ano sa katawan. Sanay na rin akong nakikita itong ganito. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nagtalik kami si Ryan.


Habang naliligo ito ay nagpasya akong magluto ng almusal para hindi na rin ako mapagastos sa labas.


Kumuha ako ng dalawang piraso na itlog mula sa ref at binate ito. Nagbukas ako ng lata ng flakes in oil na tuna at nagslice ng quickmelt na cheese. Tuna with chesse omelet. Natutunan ko kung paano ito lutuin noong nakatira pa ako sa apartment ng tita ko hindi malayo mula rito sa apartment na nakuha ko. Napagdesisyunan ko nalang rin kasing bumuwag para kahit papaano ay may privacy naman ako.


Saktong natapos ako sa pagprepare ng pagkain nang matapos si Ryan sa paliligo. At dahil wala itong dala nang pumasok sa C.R., hubo't hubad pa rin itong naglakad papunta sa kwarto para magbihis. At nang matapos ay sinimulan na naming kumain.


"Nga pala, I will need your payment for my services last night.", sabi nito.


"What services?", balik ko rito.


"Pfft! Kahit kelan talaga, hindi ka nagbabayad!"


"That's because I satisfy you as much as you satisfy me. That's all there is to it."


Gwapo si Ryan, matangkad, maputi, may magandang ngiti at may biloy sa kanang pisngi. Maganda rin ang pangangatawan nito na alaga sa gym. Maliban sa magagandang pisikal na katangian nito ay mabait rin itong tao. Lingid kasi sa kaalaman ng mga nagiging kostumer niya ay ibinibigay nito ang kinikita sa nanay niya upang makadagdag sa panggastos para sa edukasyon ng dalawa nitong kapatid.


"O, anong tinitingin tingin mo dyan? Mamaya mainlab ka pa sa 'kin, resgo ko pa.", natatawang sabi nito nang makitang nakatingin ako sa kanya.


"Patawa ka rin minsan no?", bara ko rito. "Bilisan mo nang kumain dyan at mahuhuli na ako sa trabaho."


-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-


Lunch time.


Nagkayayaan na kaming magtanghalian ng mga katrabaho ko.


"Hoy! Tara na!", tawag sa akin ni Josephine na naging kaklase ko rin noong high school pa lang ako.


"Mauna ka na Jo, susunod nalang ako. Tapusin ko lang to.", sagot ko naman.


"Sige. Sumunod ka ha! Wag ka ngang magpagutom, maawa ka naman sa katawan mo Michael!", sermon nito.


"Naku! Ayan ka na naman inay eh, nagsisimula ka na naman.", pambubuska ko rito.


Tinaasan naman ako nito ng kilay bago umalis. Natawa nalang ako.


Dali - dali kong tinapos ang paperworks na kailangan ko bago bumaba para mananghalian. Ngunit nang makababa ako mula sa opisina ay natigilan ako nang makita ko ang isang pamilyar na postura.


"Hi, I'm looking for Mr. Michael Urbano.", ani nito.


"Ah, hayun ho siya Sir.", sagot naman ng receptionist habang tinuturo ako.


"Salamat."


"Of all places and time, ngayon pa talaga?!", sigaw ng isip ko.


All the memories came flooding in. The good times, and the bad times. Pero ang pinakaklaro sa lahat, ay ang panahon na iniwan ako ng taong nasa harapan ko para sa iba.


Lumapit sa akin ang lalaking sumira sa tiwala ko. Ang taong pinagkalooban ko ng sarili ko sa unang pagkakataon. Ang taong sinaktan ako ng husto.


"Mike...", panimula nito.


I composed myself.


"Kamusta ka na? Naglunch ka na ba? Halika, sabayan mo ako.", nakangiti kong sabi.


Pagtataka ang nakita kong reaksyon mula sa mukha nito. Hindi niya siguro maintindihan kung bakit ganun ang pakikitungo ko sa kanya sa kabila ng mga ginawa niya sa akin.


"Ah, eh, si- sige.", ani nito.


Naglakad kami papunta sa pinakamalapit na Jollibee food chain. Alam kong paborito niya kumain rito kagaya ko. Habang nasa daan ay walang pag-uusap na nangyari sa pagitan namin.


 "Hindi mo pa rin nakakalimutan ang paborito ko.",  sabi nito nang matapos akong mag-order.



"How could I forget? You made it so damn hard.", sagot ko.


"I'm sorry.", sabi nito ulit.


"Sorry saan? Sa panloloko? Sa panggagamit? Sa ginawa mong pagmumukhang tanga sa akin? O dun sa pagdurog mo sa pagkatao ko?", tanong ko rito. Hindi ko na nagawa pang itago ang pait sa boses ko.


Nagbaba ito ng tingin.


"Bakit ka nga ba muling nagpakita Genesis? Hindi ka pa ba masaya na nang dahil sa'yo nagkaganito ako? Take a good look Genesis. Hindi na ako ang dating Mike na nakilala mo. I'm disgusting! ", dagdag ko pa na kinokontrol ang boses para hindi lumikha ng eskandalo sa loob ng fastfood chain.


"Nagkakamali ka Mike, andito ako para itama ang mga pagkakamali ko seven years ago. I'm here to apologize. Noong una akala ko okay na. Pero Mike, gabi - gabi kitang napapanaginipan. Araw - araw akong parang timang na wala sa sarili dahil naiisip kita. Tinatanong ko ang sarili ko kung nakakakain ka kaya ng maayos? Kung hindi ka ba nagkakasakit? Naghirap rin ako Mike. Naging mahina lang ako noon sa mga tukso ng mundo pero lubos - lubos ang pagsisisi ko nang ma-realize kong mahal kita."


"Kung ganon, I'm sorry. Because somewhere in the middle of trying to forget you, I also forgot how to love. Hindi mo na ako mauuto gaya ng dati Gen. Never again will I want you or any other guy or girl because people will never be contented. I have to go.", sabi ko.


"Maniwala ka sa akin Mike, I've changed. All this time inakala kong hindi kita kailangan pero nagkamali ako. I need you. Mahal kita Mike.", maluha-luha ang mga matang sabi nito.


"Mahal?!", napataas ang boses ko dahilan upang tumingin sa direksyon namin ang ibang kumakain. "You don't even know the meaning of the word!", pagpapatuloy ko sa dali-daling lumabas.


"Mike!!", tawag ni Genesis sa akin ngunit hindi ako lumingon, patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may dumaang taxi. Pinara ko ito at dali-daling sumakay.


Bumaba ako sa tabing-dagat. Naupo sa ilalim ng puno ng niyog. Ito ang tanging lugar na pinupuntahan ko sa t'wing may dinaramdam ko. Dito ako naglalabas ng sama ng loob.


May isang oras rin akong nakatambay sa tabing-dagat. Nakikinig sa mahinang hampas ng alon sa dalampasigan. Maya-maya pa'y napansin kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ito dahil kahit saan ako magpunta, alam na alam ko ang amoy ng perfume na gamit nito.

"Sabi ko na nga ba nandito ka.", basag nito sa katahimikan.


"Anong ginagawa mo rito Ryan?", tanong ko rito.


"Ano pa, syempre, hinanap kita. Alam ko namang dito kita makikita 'pag wala ka sa opisina eh. Susunduin sana kita kanina para maglunch, kaya lang nakaalis ka na raw."


"Dami mong alam.", bara ko rito.


"Totoo. Anyway, ano nangyari?"


"Anong ano nangyari?", maang kong tanong.


"Oh, come one, don't play dumb with me. I know may dinaramdam ka. Dito kita nakilala, remember?"


 I forced a weak smile.


"Oo nga pala.", sagot ko.


"So? Ano na?", pangungulit nito.


"Taxi ka? Nagmamadali?", bara ko ulit ngunit nanatili iton tahimik at seryoso.


"He's back.", nasabi ko nalang. Kasabay nun ang pagbagsak ng mga luha ko.


"Shh, tahan na. Panget ka 'pag umiiyak.", sabi nito saka kinabig ang ulo ko para ihiga sa balikat nito.


"Mahal mo pa rin siya?", tanong nito.


Umiling ako.


"Eh bakit mo iniiyakan?"


"Naalala ko lang kasi ang pambabalewala niya sa akin at sa mga ginawa ko para sa kanya noon. Ayoko nang maranasan ulit 'yung ganong pasakit."


"Shhh. Just stop crying okay? I didn't come all the way here para makita kang umiiyak.", sabi nito saka pinahid ang mga luha ko gamit ang kamay nito.


I forced a smile. "Salamat Ry."


"Siya na ba Mike? Siya bang ipinalit mo sa 'kin?", ani ng tinig sa likuran namin. Kilala ko ang boses na iyon. Si Genesis.


"Siya na ba Mike? Siya bang ipinalit mo sa 'kin?", bakas sa tinig nito ang sakit.


Nanatili akong tahimik. Nagtaka naman ako sa biglang pagtayo ni Ryan.


"So,  I guess ikaw ang dahilan kung bakit umiiyak tong isang to?", ani Ryan.


"Wag kang makialam rito pare, this is between me and Michael."


"No. May pakialam ako, dahil ayokong nakikitang umiiyak ang taong mahal ko.", pagmamatigas ni Ryan. "And everything that happened between the two of you is long over. You missed your chance with him. Panindigan mo nalang pare at wag mo nang guluhin ang buhay ni Mike.", dagdag pa nito. Halatang inaasar si Genesis.


"Ano bang problema mo ha?! Ba't ka ba nanghihimasok sa problema naming dalawa?!", iritadong sagot rito ni Genesis.


Sasagot pa sana si Ryan nang bigla akong magsalita.


"Please. Tama na. Genesis. Tama na. We're over. You made that perfectly clear nang iwan mo ako. I'm with Ryan now. He loves me for everything that I am at hinding - hindi niya ako hinahayaang masaktan. Kaya please, sana lang, respetuhin mo naman ang desisyon ko. The way I respected yours seven years ago."


Parehong natahimik ang dalawa.


"M-mahal mo ba siya?", tanong ni Genesis.


"Anong klaseng tanong yan?"


"Sagutin mo ako. Mahal mo ba siya?"


"Oo, mahal ko siya."


Sa puntong iyon ay bumagsak ang mga luha ni Genesis. Ni minsan ay hindi ko ito nakitang umiyak. Maya - maya pa ay humarap itong muli kay Ryan.


"Wag na wag mong sasaktan si Mike. Sa sandaling saktan mo yan, hinding - hindi ako mangingiming kunin siya mula sa'yo. Tandaan mo iyan.", iyon ang sinabi niya saka bumaling sa akin.


"If I hadn't made a mistake back then, if I wasn't so stupid back then, hindi sana ako umiiyak sa harap mo ngayon. Totoong mahal kita Mike, pero kung hindi na talaga ako ang nilalaman niyang puso mo, magpaparaya ako para sa ikaliligaya mo.", sabi nito sa akin saka tumalikod at tuluyang umalis.


May sampung minuto rin kaming tumambay pa ni Ryan sa tabing-dagat bago ako nagyayang umuwi. Hinatid ako nito hanggang sa amin. Hindi ako nagsalita pauwi at nirespeto niya naman ito.


"Salamat nga pala ha.", sabi ko nang makarating kami sa bahay.


"Para saan?", tanong nito.


"Sa pagtatanggol sa 'kin kanina, sa pagpanggap bilang partner ko. Napasubo ka pa tuloy."


"I meant everything I said."


"Anong ibig mong sabihin?", takang tanong ko rito.


"I meant everything. I like you Mike, ayaw kong nasasaktan ka. It's because of you why I ended all my relationships. Kasi I want to start anew. I want to change for you. I want to be deserving of your love."


"Ry--"


"It was last month that I realized I'm already falling for  you. Kaya agad akong nakipagbreak sa mga kalaguyo ko."


"Ry, I'm not sure what I'm going to say. Pero alam kong hindi pa ako handa."


"Handa akong maghintay Mike. Take all the time you need. I'll be waiting patiently hanggang sa maging handa ka nang magmahal ulit. Hindi kita pipilitin. Basta gusto ko lang malaman mong mahal kita. Because somewhere in the middle of flirting and "having fun" with you, I fell. At hinding hindi ko bibitiwan ang nararamdaman ko para sa'yo."


Dahil sa isang pangakong iyon, naging masaya ang takbo ng buhay ko. Tumagal kami ng anim na taon ni Ryan, hindi na siya nagpagamit sa iba. Pintunayan niyang akin lang talaga siya. Six years and still counting. Marami na kaming hinarap na hamon. Marami pang darating pero alam kong kakayanin namin yun dahil ngayon, sigurado na akong mahal na mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako. 


WAKAS

Thursday, May 24, 2012

NGITI

Saan ka na naman pupunta.”, takang tanong ni Mama nang makitang naghahalungkat ako ng maisusuot.


“Ma, alam mo namang reunion namin di ‘ba? Nagpaalam na ako sa’yo nito eh.”, sagot ko.


“Alam ko naman ‘yon pero akala ko ay titigil ka muna dito sa bahay kahit ilang oras lang. Hindi yung ganyang kararating mo palang, aalis ka na.”, may himig ng pagtatampong sabi nito.


Kararating ko palang sa munting baryo namin galing sa Maynila. Ilang taon na rin akong hindi nakakauwi sa amin dala ng pagiging abala ko sa trabaho kung kaya’t hindi ko naman masisisi ang Mama kung ganoon ang naging reaksyon niya.


Pinagmasdan ko ang mukha ng aking ina.


Mababakas na rito ang katandaan. May mga kulubot na ang mukha nito at unti-unti na ring namumuti ang mga buhok. Sa edad nitong singkwenta y dos ay maihahalintulad na ito sa isang sisenta anyos na babae.


“Ma naman, babalik din naman ako bukas eh.”, paglalambing ko rito. “Promise, bukas, buong araw nyo akong makakasama.”, sabi ko sabay taas ng kaliwang kamay na parang bata.


Umiling na lang ito tanda ng pagsuko.


“Maling kamay.”, ani nito.


“Ay!”


Dali-dali kong pinalitan ang kamay ko at saka binitawan ang isang pagkatamis-tamis na ngiti.


Tinawanan nalang ni Mama ang ginawa ko saka lumabas ng kwarto.


“Basta’t mag-iingat ka ha.”, sabi pa nito bago pa man makaabot sa pintuan ng kwarto ko.


“Opo.”


Isang green na v-neck t-shirt ang napili kong isuot. Pinarisan ko ito ng itim na slightly fitted na pantalon at pinatungan ng blazer. Puting sapatos naman ang isinuot ko para bumagay sa suot ko.


Handa na ako.”, sabi ko sa sarili.


Dali-dali kong hinanap ang susi ng motorsiklong ipinabili ko kay Papa gamit ang ipinadala ko ritong pera. Nang makita ay nagpaalam na ako kay Mama at sa apat kong kapatid saka umalis.


Habang nasa daan patungo sa lugar kung saan ipagdadaos ang reunion ng aming barkadahan ay hindi ko mapigilang hindi kabahan. Pitong taon na kaming hindi nagkikita. Pitong taong walang komunikasyon, walang balita sa isa’t-isa. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ipinagbago niya? Ano kayang magiging reaksyon niya sa muli naming pagkikita?


Sa isiping iyon ay dali-dali kong pinaharurot ang motorsiklo upang mas mabilis na marating ang pupuntahan.


Nasa labas palang ng resort ay maririnig na ang tawanan.


Mga balahura talaga patawanin tong mga to.”, naiiling kong sabi sa sarili ko.


Hindi pa rin talaga nagbabago ang mga kaibigan ko.


Pumasok na ako ng resort.


“Haay! Sa wakas! Dumating na ang dalaga natin.”, biro ni Jim na may hawak na bote ng RH.


Tumawa naman ang lahat.


“Syempre, ganun talaga kaming magaganda.”, sagot ko naman.


“Hanep, hindi pa rin talaga nagbabago, ang kapal pa rin ‘di lang ng mukha, pati yata baga makapal na rin eh, anlakas ng hangin.”, pambabara ni JV.


“Oo, nakakaitim kasi ang init ng panahon ngayon, kaya kailangan kong lakasan ang hangin. Baka kasi tuluyan kang mangitim eh, di ka pa makilala ni Cass.”, balik pambabara ko rito.


Tumawa nalang si Cass. Si Paul at si Dennis nakikitawa lang rin kasama si Che at Kassy na kani-kaniyang mga girlfriend. Isa-isa kong binati ang mga tao sa loob. Nandoon ang lahat ng mga kaklase namin. Ang iba, may mga batang dala. Ang iba, asawa ang bitbit. Nakakapanibago. May kani-kanya na kaming mga buhay. Napangiti ako.


“Jhay.”, ani ng isang tinig sa likuran ko.


Agad akong kinabahan. Biglang natahimik ang barkada ko. Bago lumingon ay humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga.


“Ahem….”, panunukso ni Jim.


“Natahimik kayo diyan? May artista bang dumating.”, sabi ko nalang para mawala ang tensyon saka humarap sa pinanggalingan ng tinig.


Wala pa ring pagbabago. Iba pa rin ang epekto sa akin ng boses niya. Boses na kahit saan ay hinding-hindi ko maaaring ipagkamali sa iba.


“Kamusta ka na?”, tanong nito nang makaharap ako sa kanya.


Isang ngiting alanganin ang nakapaskil sa mga labi niya. Dala marahil ng kaba.
Kaba? Bakit naman siya kakabahan?”, protesta ng pasaway kong utak.


“Ayos naman. Heto, matanda na.”, sagot ko sabay bitaw ng isang ngiti. 


Ngumiti siya. Gwapo pa rin talaga. Sa suot nitong dark pink na polo shirt ay mas lalo itong pumuti. May bago sa kanya. Ano nga ba? Tumaba ito ng kaunti. Mabuti naman.


Ganun pa rin ang gamit niyang pabango. Bench iRock. Ang binigay ko sa kanya bago kami maghiwalay.


Lahat ng ala-ala naming dalawa ay nanumbalik sa isang iglap. Simula sa unang halik hanggang sa kung paano namin ipinaglaban ang relasyong “kasalanan” ang turing ng karamihan lalo na sa harap ng mapanghusgang mata ng simbahan. Kasabay ng mga magagandang ala-ala ay nanumbalik rin ang sakit at pait ng paghihiwalay namin at kung paano at gaano katagal bago ako nakapagmove-on.


“Mabuti naman. Anu na nga pala ang trabaho mo?”, tanong nito.


Napansin kong unti-unting nawala ang kaba niya. Naging normal ang takbo ng aming pag-uusap. Kamustahan, palitan ng mga biro at konting asaran ang naganap. Nang tumagal ay nakisabay na rin kami sa buong barkada. Halos hindi na naming namalayan ang oras at nang mapansing pagabi na ay nagkayayaan nang umuwi. Nagpasya na rin akong umalis para hindi gabihin sa daan habang ang iba naman ay nagpa-iwan sa resort para makapag-overnight.


Inistart ko na ang motorsiklo matapos magpaalam sa mga nagpa-iwan. Akmang aalis na ako nang may tumawag sa akin. Nang lingunin ko ay nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin. Nang makalapit na ay nagsalita ito.


“Can I ask you for a favor?”, tanong niya.


“Sure. Ano ba yun?”


“P-Pwede mo ba akong ihatid sa amin?”, nahihiyang sabi nito.


Medyo nagtaka ako sa pabor nito. Ang pagkakaalam ko kasi ay may boyfriend ito na magsusundo sa kanya.


“Okay lang naman. Baka nga lang magalit ‘yung boyfriend mo ha.”, seryosong tugon ko.


“Hindi raw makakarating eh.”,


Kaya pala.”, pabulong kong sabi.


“Ha?”, tanong niya.


“Ahh, sabi ko tara na. Hindi ko alam, bingi ka na rin pala ngayon bukod sa pagiging teacher?”, biro ko.


“Utot mo Jhay!”


Nagkatawanan kami.


Habang nasa biyahe ay walang usapang namagitan sa amin. Tahimik siyang nakayakap sa akin mula sa likuran. Tila ba walang pakialam sa iisipin o sasabihin ng mga taong makakakita sa amin.


“Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta dito ahh. Na-miss ko to.”, basag ko sa katahimikan nang marating namin ang lugar nila.


“Araw-arawin mo kasi pagpunta mo dito.”


“Sus! Baka naman di mo na ako ma-miss nyan.”, sabi ko sabay ngiti na may pataas-taas pa ng kilay.


Ngumiti siya.


“Pasok ka muna.”, aya nito.


Sumunod naman ako.


“Nay, Ate, nandito si Jhay.”, tawag nito sa nanay at ate niya.


“Oh, Jhay! Kamusta ka na? Tagal mong hindi nakabisita rito ahh.”, excited na sabi ng ate niya.


Medyo humaba ang usapan namin nga ate niya. Napag-alaman ko ring may pinuntahan palang lamay ang kaniyang ina kaya wala ito sa kanila. Natuwa rin ako nang makitang malaki at nagdadalaga na ang mga pamangkin niya. Si Kaye na dating bibong-bibo pag bumubisita ako ay tahimik ngayon at halos hindi umiiimik. Nahalata ko ring kanina pa ito nagnanakaw ng tingin.


Nang napansin kong mejo lumalalim na ang gabi ay nagpaalam na akong umuwi. Inanyayahan naman ako ng ate niya na doon nalang magpalipas ng gabi at aabutin pa ng dalawang oras ang biyahe mula sa kanila hanggang sa amin ngunit tumanggi ako dahil na rin sa napag-usapan namin ni Mama. Nagpaalam na ako at umalis.


“Sandali lang Jhay, ihahatid na kita sa may labasan.”, pahabol niya nang makalabas ako sa pintuan ng bahay ng ate niya.


Tahimik lang akong sumunod sa kanya hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ng aking motorsiklo.


“So I guess, this is goodbye once again?”, sabi ko.


“I really wish it isn’t.”


Nakita kong bahagyang lumongkot ang ekspresyon nito.


“Jhay…”


“Hmm? Ano yun?”, sagot ko.


“Pwede bang maging tayo ulit?”


Hindi ko inaasahang ganun ang sasabihin niya kung kaya hindi ako agad nakahuma.


“Talagang nagsisi ako ng husto nang maghiwalay tayo. Sa ilang taong hindi tayo nagkita o nagkausap man lang, halos araw-araw kitang naiisip. Tinatanong ko lagi ang sarili ko kung okay ka pa kaya, kung ano na ang ginagawa mo o kung may bago ka na ba. May mga oras nga na pag tulog ako, naririnig nalang ako ni ate na tinatawag ang pangalan mo. Halos mabaliw ako Jhay.”


Tahimik lang ako.


“M-M-May iba na ba?”, nag-aalangang tanong niya nang hindi ako sumagot.

 
Ngumiti ako.


“Wala.”


Ngumiti siya.


“Handa ka na ba?”, tanong ko.


“Handa sa?”


“Handa ka na bang ipagpalit at isuko ang lahat-lahat para lang sa akin gaya ng ginawa ko noon para sa’yo? Kaya mo na ba akong mahalin nang walang pag-aalinlangan? Kaya mo na bang maging tapat at totoo? Kung hindi pa, hindi pa ngayon ang tamang oras para sa atin. Magkakasakitan lang ulit tayo pag pinilit natin ang mga sarili natin.”


Sa sinabi kong iyon, isang matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi.


WAKAS