Friday, May 18, 2012

KAHIT SANDALI: Part 9


  "Al.." sabi ng isang tinig.


                That same voice that made my heart skip a beat a thousand times before. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Eric nga iyon.


                "Eric...." sabi ko at sinundan ng tingin ang pinanggalingan ng boses. Pero what surprised me is not Eric, but his situation.


                Pinilit niya ang isang ngiti na muntik ko nang ikaiyak. His hairline was receding. Nangayayat din siya. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin maitatanggi ang kaguwapuhan nito. At sa kitaing ito, iisa lang ang pumasok sa ulo ko. Cancer.


                "Hindi ko sana gustong makita mo akong ganito eh." simula niya habang pinipigilan ang mga luha. "I don't want you to see me so weak and helpless and...." bago pa niya matapos ang sasabihin ay nilapitan ko siya at siniil ng halik. Walang pakialam sa nurse at kay Gina na naroon sa kuwarto.


                Hindi na rin napigilan pa ni Eric ang mga luha nito. Hinayaan niya itong kumawala sa mga mata. Minabuti naman ni Gina na lumabas kasama ng nurse.


                "I'm sorry Al. I'm sorry." garagal ang boses niyang sabi.


                "Shh. Don't. Sa totoo lang galit ako sa'yo ngayon." simula kong nangingilid na rin ang luha. "Hindi mo dapat sinarili to Eric. Nandito naman ako. Sana man lang sinabi mo sa akin." sumbat ko sa kanya.


                "Natakot ako Al. Nang malaman ko, halos ikamatay ko. Naisip ko, paano ka? Paano kayo ni Jake? Mahal na mahal ko kayong dalawa lalo na ikaw at 'di ko kakayaning makita kang nahihirapan. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong makita ka. Araw-araw, halos mabaliw ako sa kakaisip. Ok lang ba siya? Nakakain na ba yun? Ang hirap isipin na andyan ka lang pero hindi man lang kita makausap.”


                "Shh. I don't want to talk about that. Mas importante ang ngayon. At least, nalaman kong hindi mo ako iniwan."


                "Can you do something for me?"


                "Anu yun?" tanong ko habang unti-unting tumutulo ang luha.


                "Please kiss me again."


                Natawa naman ako ngunit sumunod rin. Isang halik. Halik na tila ba ayaw ko nang matapos. If I could stay with him like this, I would be happy. Very happy and contented.


                -------------------------------------------------------------------------------------------


                Marami pa kaming napagkwentuhan ni Eric nang araw na iyon. Nauna nang umuwi si Gina at nagpaiwan naman ako kung kaya at gabing - gabi na nang makauwi ako.


                Pagdating na pagdating ko sa bahay ay inilista ko ang lahat nang espesiyalista sa cancer. Inalam ko ang mga eksperto, ang proseso ng pagpapagamot, - lahat nang maaaring makatulong sa rocovery ni Eric.


                "Hindi ako susuko Eric. You will survive this. We will survive this."


                Iyon ang aking huling isipin bago makatulog.


                ------------------------------------------------------------------------------------------


                Lumipas ang ilang linggo. Ilang buwan. Nothing happened. Chemotherapy seems to have no effect on Eric. Hirap na hirap na kami. Not financially, but we hated seeing each other so helpless.


                Isang araw, nang matapos ang klase naming. Agad akong dumeretso sa bahay ni Eric kasama si Gina. We’ve decided to seek help outside the country, at least for a week or two. At sa lahat ng nangyayaring pagsubok sa buhay namin, iisa lang ang nasa isip ko.


                “I will never give up.”


                Dumating kami ni Gina sa bahay ni Eric ngunit nagtaka kami nang pagpasok namin ay nagkakagulo ang lahat. Ang mga nurse, ang mga katulong. Masama ang kutob ko. Nagkatinginan kami ni Gina. Agad ko namang tinakbo ang kwarto ni Eric. Nang makapasok sa kwarto ay naabutan kong nag-aagaw buhay na siya.


                Dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Eric habang pinipigilan ang pag-iyak.


                “Eric, wag kang bibitiw, wag mo akong iiwan gago ka.” Sabi ko habang pinipilit magpakatatag.


                Walang nagbago sa sitwasyon ni Eric.


                “Damn it Eric! Hindi kita isinuko, don’t you give up on me now. Don’t dare leave me now!” sabi ko habang tumutulo na ang mga luha. Halos manghina ako sa pakikiusap sa kanya.


                “Eric, it took a long time for me to be alright. Nakalimutan ko na ang pakiramdam na maging masaya. Pero dumating ka sa buhay ko. Everything change right then and there. Please. Please don’t leave me.”


                At nagflat na ang line sa ECG monitor. He lost his heartbeat. Ambilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag.


                The nurses rushed in together with the doctor na tinawagan ni Gina. Pinalabas kami ni Gina sa room. I was shaking terribly. Gina calmed me down. Nagpakatatag ako. I kept my tears in. I kept hoping. Niyakap ako ni Gina. Ganun rin ang ginawa ko sa kanya. She was crying. She’s breaking down now. Sa aming tatlo, siya lang ang nanatiling matatag throught it all. It was heartbreaking na makita siyang ganito. At bakit hindi? Her bestfriend was dying.


  ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------





2 YEARS LATER…


                “HOY! Mahuhuli na tayo. Eric’s family is waiting.” Si Gina.


                “Oh. Sorry. I was..” hindi ko na magawang tapusin ang sasabihin ko.


                “Please move on.”


Isang mapaklang ngiti nalang ang isinukli ko kay Gina. It has been two years since namatay si Eric at hanggang ngayon ay hindi pa ako makapaniwalang wala na siya sa buhay ko. And also, first time ko ring makikilala ang pamilya ni Eric ngayon. Sa Australia kasi ipinalibing si Eric kung kaya hindi ko na rin sila nakilala masyado although madalas namang magkwento si Eric tungkol sa kanila.


Dumating kami sa bahay nila Eric. That same house na naging saksi sa aming pagmamahalan. The same house, kung saan ko unang sinabi ang "I Love You" kay Eric. At and bahay kung saan kinuha siya sa akin ng panginoon.


Nagdoorbell kami ni Gina at pinagbuksan kami ng katulong. Tumuloy kami sa bahay at naupo sa sala. Pinagmasdan ko ang bahay. Ang dating puno ng buhay at masiglang bahay, ngayon, ang tahimik. Napansin ko namang, ganoong pa rin ang ayos ng lahat ng gamit.


"Good morning. You must me Jonathan Alfonz and Regina." bati ng isang tinig mula sa likuran namin.


Napalingon kami at nakitang isang may edad na babae ang bumaba sa hagdan. She looked like she was in her early sixties. She was beautiful. Her eyes, and her nose resembled those of Eric's. Except the eye color.


"I'm Christina. I'm Eric's mother." sabi nito.


"Ah, eh, good morning po ma'am." si Gina.


"Hello po ma'am." sabi ko naman.


Ngumiti naman ang Donya.


"So, ikaw pala." baling nito sa akin.


"Po?" takang tanong ko naman.


"Ikaw pala ang lagin ikinikuwento ng anak ko sa akin. The one and only love of his life."


Natahimik naman ako sa sinabi ng matanda. Hindi ko alam kung paano magrereact. Naupo ito sa harapan namin ni Gina.


"Ipinatawag kita rito dahil gusto kitang makausap at makilala. Noon pa man, kilala ko na ang katauhan ni Eric. Tanggap ko kung ano siya kung kaya't hindi na ako nagtaka pa nang sabihin niya sa akin na he's in love, and with a guy at that. Alam mo bang until his last day, ikaw pa rin ang laging ikinikuwento niya sa akin. The way you treated him, the way you - you loved him." at hindi na mapigilan ni Donya Christina ang mga luha sa isiping iyon.
"I'm sorry." sabi nito habang pinapahid ang luha.


"Anyway, I just wanted to say thank you. For not giving up on our son. For loving him. For giving him a reason to fight and to live despite his medical condition. Maraming maraming salamat hijo." sabi nito. "Also to you hija. Thank you."


Ngumiti naman si Gina.


"Siyanga pala. Hijo, may ipinapabigay si Eric sa iyo. Nalaman lang namin nang mapanood namin ang video na ito." sabi pa niya na hawak-hawak ang isang cd. Iniabot niya ito sa akin at pagkatapos ay may kinuha sa ilalim ng center table sa sala. Isang kahon. Mula rito ay kinuha niya ang isang sobre. Ibinigay ito sa akin. At ang isa ay ibinigay naman kay Gina.


Marami pa kaming napag-usapan ng Donya. Kasama pala niya ang nakakatandang kapatid ni Eric. Pero umalis daw ito. Uuwi rin raw siya sa Australia upang makasama ang asawang naiwan doon.


Matapos makipag-usap ay nagpaalam na kami ni Gina na umalis.


Nang makarating ako sa bahay ay agad kong tinungo ang kuwarto ko. Binuksan ko ang laptop at saka isinalang ang CD na iniwan ni Eric para sa akin.


Ang umpisa nito ay ang school play namin. It was the part na kumakanta na ako ng solo.


"You see that?" sabi ng boses. Boses na sobrang namiss ko. Sobrang pinananabikan kong marinig muli. Si Eric.


"You see that, that's Alfonz. I don't know why but I really like him. Especially when he sings. It's like magic. Sobrang kabado nga ako ngayon eh. Gina and I are going to meet him. I hope he likes us."


Nag-cut ang video.


"Ang guwapo niya talaga noh?" si Eric ulit. This time, sa Boracay naman kami. He was filming me while sleeping. Ihinarap niya ang camera sa kanya at nagsalita. "Mahal na mahal ko ang taong ito. Kahit suplado, moody, kahit naninigarilyo at malakas uminom. Mahal na mahal ko yan."


Muling nagcut ang video. Marami pang mga eksena kung saan hindi ko alam na kinukunan pala ako ng video ni Eric ang lumabas. Napaiyak naman ako. Hindi ko mapigilan, ngunit nang lumabas na ang last cut ng video, napahagulgol na ako.


"Hi, it's me again. Umn," at itinutok niya sa akin ang camera. Natutulog ako sa upuan malapit sa kama niya habang ang ulo ay nakapatong sa kama. "See him mom, dad?" Muli niyang ibinalik sa kanya ang camera. "He's Alfonz. He's the one na lagi kong ikinikwento sa inyo. You see, the thing is - is.. Mahal na mahal ko siya," Naluluha niyang sabi. "He's never given up on me. Mas puno pa nga siya ng pag-asa kaysa sa akin eh. Mas busy pa siya sa paghahanap ng espesiyalista. We all know that this was my fate. Pero nang dahil sa kanya, Lu- lumaban ako. Pero nararam- nararamdaman ko, hindi ko kakayanin pa. Nahihirapan rin akong makita siyang ganito." I know, it's unfair, but if only I could spend another year, no, just even a month more with him, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo." sa pagkakataong ito ay tuluyan nang umiyak si Eric. "But unfortunately, hindi na yata aabot sa ganoon. Ma, if ever you find this video. Please give this to him. Isama nyo na rin ho ang sulat na nakatago sa drawer ko."


Matagal na nanahimik si Eric.


"Al, if ever na nakarating na sa'yo itong video, please, please always remember, mahal na mahal kita. Oh and,.



I just had a dream that you were far away
And that someone else was in your arms today
Though I know its just a dream
Still my fear is so extreme
‘Coz I know that dreams could sometimes be so true
And I’ll be blue

Then I told myself
That I will stay the same
Even if you hurt me, I will take the blame
You are all I’m livin’ for
I would love you even more
I would keep the pain inside my door

~CHORUS~

It’s enough for me that I have come to love you, I see
Because the heart I have could only want you
I just want you to remember
even if it takes forever

I would wait until the world is through
When all that’s left is
Only me and you

Yes I told myself I’d always stay the same
Even if you hurt me
I would take the pain
You are all I’m livin’ for
I would love you even more
I would keep the pain inside my door

~CHORUS~

I’ll wait for you
you know its true
Until I can now be with you
When all that’s left
Is only me and you


http://www.youtube.com/watch?v=AFuAWCLQLQY


"I love you, and I'll always be with you."


Iyon lang at nagtapos na ang video. Naiwan naman akong humahagulgol sa kwarto.


ITUTULOY.....

No comments:

Post a Comment