JHAY
This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional.
PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)
*************************************************************
How do you move on from someone whom you've been in love with for so long? How do you teach your heart to forget?
You don't.
Pasado alas tres na noon, araw ng Sabado. Naglilibot ako sa department store ng mall na malapit sa amin. Naging ugali ko na ito. Let's say, a once a month habit. Pina-pamper ko ang sarili ko. After a month long of nothing but work, ito ang nagiging stress reliever ko.
♫♪ Yellow diamonds in the light,
We were standing side by side ♫♪
"Hello Anj.", sagot ko sa tawag ng kaibigan kong si Angellie.
"Hello Unat, asan ka?", tanong nito.
"The usual, sa department store."
"Sige sige, on the way na ako. See you later!"
Iyon lang at tinapos na nito ang tawag.
Habang pumipili ako ng damit ay dumating si Angellie.
"Huy!", panggugulat nito sa akin.
"Anj, kanina pa kita nakita, papasok ka palang ng department store."
"Ay! Anu ba yan. Sayang naman ang effort ko.
Tumawa nalang ako sa reaksyon nito.
"Okay, which one?", tanong ko rito sabay taas ng isang plain cyan colored shirt at isang plaid polo shirt.
"Hmm, you'll look good in both but I like yung blue shirt Unat.", sabi nito.
"Oh, okay, I'll buy both.", sabi ko sabay ngiti.
"Huwaw naman! Mayaman si Jonathan oh."
"Hindi ako mayaman. Once a month lang.", sabi ko naman sabay tawa.
"Eh di timing pala, ililibre mo ako later!", masiglang deklara nito sabay pa-cute.
"Hmmmm. Hindi rin.", sagot ko rito.
"Ok ka na sana eh, kuripot ka lang talaga!", pang-aasar nito.
Tinawanan ko nalang ang sinabi nito at saka nagpunta sa pinakamalapit na cashier counter. Habang nakapila ay may bigla akong naalala.
"Anj, ikaw na muna pumila dito ah. May nakalimutan lang ako."
"Eh! Ayoko nga noh. Ang haba kaya ng pila."
"Sige na, ililibre kita mamaya.", pangungumbinsi ko rito.
"Hmm, sige! Go!", masaya naman nitong tugon.
Dali-dali akong umalis at tinungo ang rack ng mga panyo. Matapos pumili ay bumalik ako sa counter.
Tamang-tama ang dating ko dahil si Anj na ang sunod na magbabayad. Binayaran ko ang mga pinamili saka sabay kaming umalis ni Angellie patungo sa isang coffee shop sa labas ng mall.
Naging paborito na naming tambayan ang coffee shop na ito dahil dito kami madalas nagkakasundong magkita-kita kapag may mga lakad. Dito rin kami unang nagkakilala ni Angellie kaya naman espesyal sa amin 'tong lugar na ito.
Si Angellie ang umorder ng pagkain at drinks namin. Siya na rin ang nagbayad.
"Akala ko ba magpapalibre ka ngayon?", amused kong tanong nang makabalik ito sa table namin.
"Mamaya mo ako ililibre, 'pag nag-night out na.", sabi nito.
Tumawa nalang ako.
"Now...", simula nito.
"Sabi ko na nga ba."
"What?", tanong nito.
"Sasabunin mo na naman ako eh. Kaya pala hindi ka nagpalibre ngayon."
"You know me too well.", sabi nito.
"Okay, spill it.", pag-udyok ko rito.
Tumikhim ito.
"Bumili ka na naman ng panyo.
It wasn't a question, it was a statement. I can sense the sarcasm in her words.
"Yeah.", maikli kong tugon. Alam kong marami na naman itong sasabihin and as usual, makikinig lang ako.
"Nath, this is stupid. I told you over and over again that you should forget him. Hindi na maganda 'yang ginagawa mo. Hindi yan nakakatulong sa'yo.", simula nito. "Why do you keep on lingering in the past? Move on already! I can't watch you crash and burn ever again."
Malaki ang utang na loob ko kay Angellie. Unang-una, dahil hindi ito nagbago nang malaman nitong isa akong bisexual. Pangalawa, dahil naging kasama ko ito sa lahat ng kalokohan ko. Pero higit sa lahat, ay dahil hindi ako nito iniwan nang nawala sa akin ang lahat. She was there during my downfall and she's still there for me.
"I'm okay Anj. No need to worry. It's just that, maybe old habits do die hard."
Nanahimik ito.
"Sir, order nyo po.", sabi ng waitress na nag-serve ng mga inorder namin.
Hindi naman nakaiwas kay Angellie ang pagpapacute nito sa akin. Nang maka-alis and waitress ay muli itong nagsalita.
"How long has it been?", tanong nito.
"Since what?", balik-tanong ko rito.
"Since iniwan ka niya?"
Natigilan ako sandali.
"Five years na sa Martes.", sagot ko nang makabawi.
"Five years and you've never had a stable relationship again since that five-month affair of yours with Alex! Jeez Nath! Andaming nagkakagusto sa'yo, babae o lalake, but because you refuse to let go of that memory, hindi mo napapansin 'yun. Don't get me wrong Nath, nagmamalasakit lang naman ako. I don't want to see you get hurt again. Why can't you just let go?"
"I'm sorry for making you worry Anj. But you can't worry about me forever.", sabi ko saka ngumiti. "Pero kahit anong gawin ko Anj, kahit anong pilit ko sa sarili, hindi ko siya magawang kalimutan. He's still the only person who can make my heart beat faster and stop me from breathing at the same time. At hindi ko rin itatangging hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. But I won't let myself go down in flames again. So let's just drop it for now. Okay?"
Napabuntunghininga nalang si Angellie.
"Oh sige na. Basta sigurado ka ha!"
"Oo nga. Inumin mo na nga yang kape mo, malamig na yan maya-maya eh."
"By the way, ilan na lahat ng panyong nakatambay sa kwarto mo?", tanong nito.
"Hmmm, isa kada buwan, for five years, so that makes, 59. Pang 60 yung binili ko kanina.
Marami pa kaming napag-usapan ni Angellie hanggang sa magyaya itong umalis papuntang disco bar kung saan naghihintay ang iba naming mga kaibigan.
Masaya pa rin kaming nagkekwentuhan ang biglang nabangga ako sa isang costumer na papasok sa coffee shop. Nalaglag ang mga hawak nitong gamit.
"Oh,my, I'm so sorry.", nasabi ko nalang habang pinupulot ang cellphone nito at panyong nalaglag.
"Oh.....My.....God....", narinig kong sabi ni Angellie dahilan para tingnan ko ito.
Nakita kong gulat na gulat itong nakatitig sa direksyon ng taong nakabangga ko kung kaya sinundan ko ang direksyon nito at mas nagulat ako sa nakita.
"ALEX!!!", sigaw ng utak ko.
Tiningnan ko ang panyong hawak ko at nakita ko ang initials na A <3 J. Ito ang puting panyo na ibinigay ko sa kanya bago kami tuluyang maghiwalay.
"It really is him!", sabi ko sa sarili.
Nagsimulang mamuo ang mga luha ko ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.
Agad ako nitong niyakap ng mahigpit at bumulong sa tenga ko.
"Sa wakas, after all these years, nakita na rin kita.", si Alex.
Agad na naglaglagan ang mga luha ko sa narinig at naramdaman ko ring nabasa ang suot kong damit sa bandang balikat.
"Umiiyak siya?", tanong ko sa sarili.
There will always be that one person in your life that no matter how much they hurt you, you're still willing to take them back with arms wide open. Because there are things that even time can never erase.
WAKAS.
hahhaa mas maganda sana kung hinabaan mo. sana may explanation pa kung bakit sya lumayo b4. but anyway maganda din naman
ReplyDeleteNasa susunod na kwento ko yung reason kung bakit siya lumayo.. Point of view naman ni Alex... :-)
Delete