Saturday, May 26, 2012

Somewhere in the Middle

"Argh!", nagising akong masakit ang ulo.


Hangover na naman.


Adik naman kasi yung mga katrabaho ko eh. Lagi nalang, basta day off, mag-aayang uminom. Wala naman din akong magawa dahil mapilit ang mga abormal na 'yun.


Bumangon ako't tinungo ang C.R. para maghilamos. Nang matapos ay inabot ko ang face towel na nakasampay sa kanang bahagi ng lababo at pinunasan ang mukha ko.  Nag-angat ako ng tingin.



Ang laki na talaga ng ipinagbago ko simula nang magtrabaho ako bilang CSR sa isang call center. Napagtuunan ko ng pansin ang sarili ko. Pumuti ako, kuminis ang balat. Hindi na rin gaanong halata ang mga butas na dulot ng pimples sa mukha ko. Ngunit kasabay ng mga magandang pagbabago, natuto rin akong uminom at manigarilyo. Naging manhid sa mga taong nagpapahayag ng damdamin at naging mapaglaro sa larangan ng pag-ibig.


I smiled.


Kinuha ko ang sipilyo at sinimulang linisin ang mg ngipin ko. Nang matapos ay bumalik ako sa kama at ginisin ang lalaking nakaniig ko nang nagdaang gabi.


"Hoy! Bumangon ka na dyan. I need to go to work in a while. ", sabi ko rito.


He smiled. Gwapo rin sana 'tong mokong na 'to eh, kaya lang masyadong maraming sabit. Kaliwa't kanan ang karelasyon.


"Good morning!", bati nito. "You always kick me out of your house after a night of pure fun and enjoyment. Kelan mo naman ako hahayaang makapiling ka ng mas matagal sa isang gabi Mike?"


"Never."


Sanay na ako sa mga banat nito. Siguro kung may bayad lang na tinatanggap tong kumag na to sa tuwing babanat, malamang,mayaman na 'to.


Napatawa nalang ito sa sagot ko.


Tumayo ito at tinungo rin ang C.R. para maligo. Natawa ako sapagkat wala man lang itong suot na kung ano sa katawan. Sanay na rin akong nakikita itong ganito. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nagtalik kami si Ryan.


Habang naliligo ito ay nagpasya akong magluto ng almusal para hindi na rin ako mapagastos sa labas.


Kumuha ako ng dalawang piraso na itlog mula sa ref at binate ito. Nagbukas ako ng lata ng flakes in oil na tuna at nagslice ng quickmelt na cheese. Tuna with chesse omelet. Natutunan ko kung paano ito lutuin noong nakatira pa ako sa apartment ng tita ko hindi malayo mula rito sa apartment na nakuha ko. Napagdesisyunan ko nalang rin kasing bumuwag para kahit papaano ay may privacy naman ako.


Saktong natapos ako sa pagprepare ng pagkain nang matapos si Ryan sa paliligo. At dahil wala itong dala nang pumasok sa C.R., hubo't hubad pa rin itong naglakad papunta sa kwarto para magbihis. At nang matapos ay sinimulan na naming kumain.


"Nga pala, I will need your payment for my services last night.", sabi nito.


"What services?", balik ko rito.


"Pfft! Kahit kelan talaga, hindi ka nagbabayad!"


"That's because I satisfy you as much as you satisfy me. That's all there is to it."


Gwapo si Ryan, matangkad, maputi, may magandang ngiti at may biloy sa kanang pisngi. Maganda rin ang pangangatawan nito na alaga sa gym. Maliban sa magagandang pisikal na katangian nito ay mabait rin itong tao. Lingid kasi sa kaalaman ng mga nagiging kostumer niya ay ibinibigay nito ang kinikita sa nanay niya upang makadagdag sa panggastos para sa edukasyon ng dalawa nitong kapatid.


"O, anong tinitingin tingin mo dyan? Mamaya mainlab ka pa sa 'kin, resgo ko pa.", natatawang sabi nito nang makitang nakatingin ako sa kanya.


"Patawa ka rin minsan no?", bara ko rito. "Bilisan mo nang kumain dyan at mahuhuli na ako sa trabaho."


-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-


Lunch time.


Nagkayayaan na kaming magtanghalian ng mga katrabaho ko.


"Hoy! Tara na!", tawag sa akin ni Josephine na naging kaklase ko rin noong high school pa lang ako.


"Mauna ka na Jo, susunod nalang ako. Tapusin ko lang to.", sagot ko naman.


"Sige. Sumunod ka ha! Wag ka ngang magpagutom, maawa ka naman sa katawan mo Michael!", sermon nito.


"Naku! Ayan ka na naman inay eh, nagsisimula ka na naman.", pambubuska ko rito.


Tinaasan naman ako nito ng kilay bago umalis. Natawa nalang ako.


Dali - dali kong tinapos ang paperworks na kailangan ko bago bumaba para mananghalian. Ngunit nang makababa ako mula sa opisina ay natigilan ako nang makita ko ang isang pamilyar na postura.


"Hi, I'm looking for Mr. Michael Urbano.", ani nito.


"Ah, hayun ho siya Sir.", sagot naman ng receptionist habang tinuturo ako.


"Salamat."


"Of all places and time, ngayon pa talaga?!", sigaw ng isip ko.


All the memories came flooding in. The good times, and the bad times. Pero ang pinakaklaro sa lahat, ay ang panahon na iniwan ako ng taong nasa harapan ko para sa iba.


Lumapit sa akin ang lalaking sumira sa tiwala ko. Ang taong pinagkalooban ko ng sarili ko sa unang pagkakataon. Ang taong sinaktan ako ng husto.


"Mike...", panimula nito.


I composed myself.


"Kamusta ka na? Naglunch ka na ba? Halika, sabayan mo ako.", nakangiti kong sabi.


Pagtataka ang nakita kong reaksyon mula sa mukha nito. Hindi niya siguro maintindihan kung bakit ganun ang pakikitungo ko sa kanya sa kabila ng mga ginawa niya sa akin.


"Ah, eh, si- sige.", ani nito.


Naglakad kami papunta sa pinakamalapit na Jollibee food chain. Alam kong paborito niya kumain rito kagaya ko. Habang nasa daan ay walang pag-uusap na nangyari sa pagitan namin.


 "Hindi mo pa rin nakakalimutan ang paborito ko.",  sabi nito nang matapos akong mag-order.



"How could I forget? You made it so damn hard.", sagot ko.


"I'm sorry.", sabi nito ulit.


"Sorry saan? Sa panloloko? Sa panggagamit? Sa ginawa mong pagmumukhang tanga sa akin? O dun sa pagdurog mo sa pagkatao ko?", tanong ko rito. Hindi ko na nagawa pang itago ang pait sa boses ko.


Nagbaba ito ng tingin.


"Bakit ka nga ba muling nagpakita Genesis? Hindi ka pa ba masaya na nang dahil sa'yo nagkaganito ako? Take a good look Genesis. Hindi na ako ang dating Mike na nakilala mo. I'm disgusting! ", dagdag ko pa na kinokontrol ang boses para hindi lumikha ng eskandalo sa loob ng fastfood chain.


"Nagkakamali ka Mike, andito ako para itama ang mga pagkakamali ko seven years ago. I'm here to apologize. Noong una akala ko okay na. Pero Mike, gabi - gabi kitang napapanaginipan. Araw - araw akong parang timang na wala sa sarili dahil naiisip kita. Tinatanong ko ang sarili ko kung nakakakain ka kaya ng maayos? Kung hindi ka ba nagkakasakit? Naghirap rin ako Mike. Naging mahina lang ako noon sa mga tukso ng mundo pero lubos - lubos ang pagsisisi ko nang ma-realize kong mahal kita."


"Kung ganon, I'm sorry. Because somewhere in the middle of trying to forget you, I also forgot how to love. Hindi mo na ako mauuto gaya ng dati Gen. Never again will I want you or any other guy or girl because people will never be contented. I have to go.", sabi ko.


"Maniwala ka sa akin Mike, I've changed. All this time inakala kong hindi kita kailangan pero nagkamali ako. I need you. Mahal kita Mike.", maluha-luha ang mga matang sabi nito.


"Mahal?!", napataas ang boses ko dahilan upang tumingin sa direksyon namin ang ibang kumakain. "You don't even know the meaning of the word!", pagpapatuloy ko sa dali-daling lumabas.


"Mike!!", tawag ni Genesis sa akin ngunit hindi ako lumingon, patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may dumaang taxi. Pinara ko ito at dali-daling sumakay.


Bumaba ako sa tabing-dagat. Naupo sa ilalim ng puno ng niyog. Ito ang tanging lugar na pinupuntahan ko sa t'wing may dinaramdam ko. Dito ako naglalabas ng sama ng loob.


May isang oras rin akong nakatambay sa tabing-dagat. Nakikinig sa mahinang hampas ng alon sa dalampasigan. Maya-maya pa'y napansin kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ito dahil kahit saan ako magpunta, alam na alam ko ang amoy ng perfume na gamit nito.

"Sabi ko na nga ba nandito ka.", basag nito sa katahimikan.


"Anong ginagawa mo rito Ryan?", tanong ko rito.


"Ano pa, syempre, hinanap kita. Alam ko namang dito kita makikita 'pag wala ka sa opisina eh. Susunduin sana kita kanina para maglunch, kaya lang nakaalis ka na raw."


"Dami mong alam.", bara ko rito.


"Totoo. Anyway, ano nangyari?"


"Anong ano nangyari?", maang kong tanong.


"Oh, come one, don't play dumb with me. I know may dinaramdam ka. Dito kita nakilala, remember?"


 I forced a weak smile.


"Oo nga pala.", sagot ko.


"So? Ano na?", pangungulit nito.


"Taxi ka? Nagmamadali?", bara ko ulit ngunit nanatili iton tahimik at seryoso.


"He's back.", nasabi ko nalang. Kasabay nun ang pagbagsak ng mga luha ko.


"Shh, tahan na. Panget ka 'pag umiiyak.", sabi nito saka kinabig ang ulo ko para ihiga sa balikat nito.


"Mahal mo pa rin siya?", tanong nito.


Umiling ako.


"Eh bakit mo iniiyakan?"


"Naalala ko lang kasi ang pambabalewala niya sa akin at sa mga ginawa ko para sa kanya noon. Ayoko nang maranasan ulit 'yung ganong pasakit."


"Shhh. Just stop crying okay? I didn't come all the way here para makita kang umiiyak.", sabi nito saka pinahid ang mga luha ko gamit ang kamay nito.


I forced a smile. "Salamat Ry."


"Siya na ba Mike? Siya bang ipinalit mo sa 'kin?", ani ng tinig sa likuran namin. Kilala ko ang boses na iyon. Si Genesis.


"Siya na ba Mike? Siya bang ipinalit mo sa 'kin?", bakas sa tinig nito ang sakit.


Nanatili akong tahimik. Nagtaka naman ako sa biglang pagtayo ni Ryan.


"So,  I guess ikaw ang dahilan kung bakit umiiyak tong isang to?", ani Ryan.


"Wag kang makialam rito pare, this is between me and Michael."


"No. May pakialam ako, dahil ayokong nakikitang umiiyak ang taong mahal ko.", pagmamatigas ni Ryan. "And everything that happened between the two of you is long over. You missed your chance with him. Panindigan mo nalang pare at wag mo nang guluhin ang buhay ni Mike.", dagdag pa nito. Halatang inaasar si Genesis.


"Ano bang problema mo ha?! Ba't ka ba nanghihimasok sa problema naming dalawa?!", iritadong sagot rito ni Genesis.


Sasagot pa sana si Ryan nang bigla akong magsalita.


"Please. Tama na. Genesis. Tama na. We're over. You made that perfectly clear nang iwan mo ako. I'm with Ryan now. He loves me for everything that I am at hinding - hindi niya ako hinahayaang masaktan. Kaya please, sana lang, respetuhin mo naman ang desisyon ko. The way I respected yours seven years ago."


Parehong natahimik ang dalawa.


"M-mahal mo ba siya?", tanong ni Genesis.


"Anong klaseng tanong yan?"


"Sagutin mo ako. Mahal mo ba siya?"


"Oo, mahal ko siya."


Sa puntong iyon ay bumagsak ang mga luha ni Genesis. Ni minsan ay hindi ko ito nakitang umiyak. Maya - maya pa ay humarap itong muli kay Ryan.


"Wag na wag mong sasaktan si Mike. Sa sandaling saktan mo yan, hinding - hindi ako mangingiming kunin siya mula sa'yo. Tandaan mo iyan.", iyon ang sinabi niya saka bumaling sa akin.


"If I hadn't made a mistake back then, if I wasn't so stupid back then, hindi sana ako umiiyak sa harap mo ngayon. Totoong mahal kita Mike, pero kung hindi na talaga ako ang nilalaman niyang puso mo, magpaparaya ako para sa ikaliligaya mo.", sabi nito sa akin saka tumalikod at tuluyang umalis.


May sampung minuto rin kaming tumambay pa ni Ryan sa tabing-dagat bago ako nagyayang umuwi. Hinatid ako nito hanggang sa amin. Hindi ako nagsalita pauwi at nirespeto niya naman ito.


"Salamat nga pala ha.", sabi ko nang makarating kami sa bahay.


"Para saan?", tanong nito.


"Sa pagtatanggol sa 'kin kanina, sa pagpanggap bilang partner ko. Napasubo ka pa tuloy."


"I meant everything I said."


"Anong ibig mong sabihin?", takang tanong ko rito.


"I meant everything. I like you Mike, ayaw kong nasasaktan ka. It's because of you why I ended all my relationships. Kasi I want to start anew. I want to change for you. I want to be deserving of your love."


"Ry--"


"It was last month that I realized I'm already falling for  you. Kaya agad akong nakipagbreak sa mga kalaguyo ko."


"Ry, I'm not sure what I'm going to say. Pero alam kong hindi pa ako handa."


"Handa akong maghintay Mike. Take all the time you need. I'll be waiting patiently hanggang sa maging handa ka nang magmahal ulit. Hindi kita pipilitin. Basta gusto ko lang malaman mong mahal kita. Because somewhere in the middle of flirting and "having fun" with you, I fell. At hinding hindi ko bibitiwan ang nararamdaman ko para sa'yo."


Dahil sa isang pangakong iyon, naging masaya ang takbo ng buhay ko. Tumagal kami ng anim na taon ni Ryan, hindi na siya nagpagamit sa iba. Pintunayan niyang akin lang talaga siya. Six years and still counting. Marami na kaming hinarap na hamon. Marami pang darating pero alam kong kakayanin namin yun dahil ngayon, sigurado na akong mahal na mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako. 


WAKAS

Thursday, May 24, 2012

NGITI

Saan ka na naman pupunta.”, takang tanong ni Mama nang makitang naghahalungkat ako ng maisusuot.


“Ma, alam mo namang reunion namin di ‘ba? Nagpaalam na ako sa’yo nito eh.”, sagot ko.


“Alam ko naman ‘yon pero akala ko ay titigil ka muna dito sa bahay kahit ilang oras lang. Hindi yung ganyang kararating mo palang, aalis ka na.”, may himig ng pagtatampong sabi nito.


Kararating ko palang sa munting baryo namin galing sa Maynila. Ilang taon na rin akong hindi nakakauwi sa amin dala ng pagiging abala ko sa trabaho kung kaya’t hindi ko naman masisisi ang Mama kung ganoon ang naging reaksyon niya.


Pinagmasdan ko ang mukha ng aking ina.


Mababakas na rito ang katandaan. May mga kulubot na ang mukha nito at unti-unti na ring namumuti ang mga buhok. Sa edad nitong singkwenta y dos ay maihahalintulad na ito sa isang sisenta anyos na babae.


“Ma naman, babalik din naman ako bukas eh.”, paglalambing ko rito. “Promise, bukas, buong araw nyo akong makakasama.”, sabi ko sabay taas ng kaliwang kamay na parang bata.


Umiling na lang ito tanda ng pagsuko.


“Maling kamay.”, ani nito.


“Ay!”


Dali-dali kong pinalitan ang kamay ko at saka binitawan ang isang pagkatamis-tamis na ngiti.


Tinawanan nalang ni Mama ang ginawa ko saka lumabas ng kwarto.


“Basta’t mag-iingat ka ha.”, sabi pa nito bago pa man makaabot sa pintuan ng kwarto ko.


“Opo.”


Isang green na v-neck t-shirt ang napili kong isuot. Pinarisan ko ito ng itim na slightly fitted na pantalon at pinatungan ng blazer. Puting sapatos naman ang isinuot ko para bumagay sa suot ko.


Handa na ako.”, sabi ko sa sarili.


Dali-dali kong hinanap ang susi ng motorsiklong ipinabili ko kay Papa gamit ang ipinadala ko ritong pera. Nang makita ay nagpaalam na ako kay Mama at sa apat kong kapatid saka umalis.


Habang nasa daan patungo sa lugar kung saan ipagdadaos ang reunion ng aming barkadahan ay hindi ko mapigilang hindi kabahan. Pitong taon na kaming hindi nagkikita. Pitong taong walang komunikasyon, walang balita sa isa’t-isa. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ipinagbago niya? Ano kayang magiging reaksyon niya sa muli naming pagkikita?


Sa isiping iyon ay dali-dali kong pinaharurot ang motorsiklo upang mas mabilis na marating ang pupuntahan.


Nasa labas palang ng resort ay maririnig na ang tawanan.


Mga balahura talaga patawanin tong mga to.”, naiiling kong sabi sa sarili ko.


Hindi pa rin talaga nagbabago ang mga kaibigan ko.


Pumasok na ako ng resort.


“Haay! Sa wakas! Dumating na ang dalaga natin.”, biro ni Jim na may hawak na bote ng RH.


Tumawa naman ang lahat.


“Syempre, ganun talaga kaming magaganda.”, sagot ko naman.


“Hanep, hindi pa rin talaga nagbabago, ang kapal pa rin ‘di lang ng mukha, pati yata baga makapal na rin eh, anlakas ng hangin.”, pambabara ni JV.


“Oo, nakakaitim kasi ang init ng panahon ngayon, kaya kailangan kong lakasan ang hangin. Baka kasi tuluyan kang mangitim eh, di ka pa makilala ni Cass.”, balik pambabara ko rito.


Tumawa nalang si Cass. Si Paul at si Dennis nakikitawa lang rin kasama si Che at Kassy na kani-kaniyang mga girlfriend. Isa-isa kong binati ang mga tao sa loob. Nandoon ang lahat ng mga kaklase namin. Ang iba, may mga batang dala. Ang iba, asawa ang bitbit. Nakakapanibago. May kani-kanya na kaming mga buhay. Napangiti ako.


“Jhay.”, ani ng isang tinig sa likuran ko.


Agad akong kinabahan. Biglang natahimik ang barkada ko. Bago lumingon ay humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga.


“Ahem….”, panunukso ni Jim.


“Natahimik kayo diyan? May artista bang dumating.”, sabi ko nalang para mawala ang tensyon saka humarap sa pinanggalingan ng tinig.


Wala pa ring pagbabago. Iba pa rin ang epekto sa akin ng boses niya. Boses na kahit saan ay hinding-hindi ko maaaring ipagkamali sa iba.


“Kamusta ka na?”, tanong nito nang makaharap ako sa kanya.


Isang ngiting alanganin ang nakapaskil sa mga labi niya. Dala marahil ng kaba.
Kaba? Bakit naman siya kakabahan?”, protesta ng pasaway kong utak.


“Ayos naman. Heto, matanda na.”, sagot ko sabay bitaw ng isang ngiti. 


Ngumiti siya. Gwapo pa rin talaga. Sa suot nitong dark pink na polo shirt ay mas lalo itong pumuti. May bago sa kanya. Ano nga ba? Tumaba ito ng kaunti. Mabuti naman.


Ganun pa rin ang gamit niyang pabango. Bench iRock. Ang binigay ko sa kanya bago kami maghiwalay.


Lahat ng ala-ala naming dalawa ay nanumbalik sa isang iglap. Simula sa unang halik hanggang sa kung paano namin ipinaglaban ang relasyong “kasalanan” ang turing ng karamihan lalo na sa harap ng mapanghusgang mata ng simbahan. Kasabay ng mga magagandang ala-ala ay nanumbalik rin ang sakit at pait ng paghihiwalay namin at kung paano at gaano katagal bago ako nakapagmove-on.


“Mabuti naman. Anu na nga pala ang trabaho mo?”, tanong nito.


Napansin kong unti-unting nawala ang kaba niya. Naging normal ang takbo ng aming pag-uusap. Kamustahan, palitan ng mga biro at konting asaran ang naganap. Nang tumagal ay nakisabay na rin kami sa buong barkada. Halos hindi na naming namalayan ang oras at nang mapansing pagabi na ay nagkayayaan nang umuwi. Nagpasya na rin akong umalis para hindi gabihin sa daan habang ang iba naman ay nagpa-iwan sa resort para makapag-overnight.


Inistart ko na ang motorsiklo matapos magpaalam sa mga nagpa-iwan. Akmang aalis na ako nang may tumawag sa akin. Nang lingunin ko ay nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin. Nang makalapit na ay nagsalita ito.


“Can I ask you for a favor?”, tanong niya.


“Sure. Ano ba yun?”


“P-Pwede mo ba akong ihatid sa amin?”, nahihiyang sabi nito.


Medyo nagtaka ako sa pabor nito. Ang pagkakaalam ko kasi ay may boyfriend ito na magsusundo sa kanya.


“Okay lang naman. Baka nga lang magalit ‘yung boyfriend mo ha.”, seryosong tugon ko.


“Hindi raw makakarating eh.”,


Kaya pala.”, pabulong kong sabi.


“Ha?”, tanong niya.


“Ahh, sabi ko tara na. Hindi ko alam, bingi ka na rin pala ngayon bukod sa pagiging teacher?”, biro ko.


“Utot mo Jhay!”


Nagkatawanan kami.


Habang nasa biyahe ay walang usapang namagitan sa amin. Tahimik siyang nakayakap sa akin mula sa likuran. Tila ba walang pakialam sa iisipin o sasabihin ng mga taong makakakita sa amin.


“Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta dito ahh. Na-miss ko to.”, basag ko sa katahimikan nang marating namin ang lugar nila.


“Araw-arawin mo kasi pagpunta mo dito.”


“Sus! Baka naman di mo na ako ma-miss nyan.”, sabi ko sabay ngiti na may pataas-taas pa ng kilay.


Ngumiti siya.


“Pasok ka muna.”, aya nito.


Sumunod naman ako.


“Nay, Ate, nandito si Jhay.”, tawag nito sa nanay at ate niya.


“Oh, Jhay! Kamusta ka na? Tagal mong hindi nakabisita rito ahh.”, excited na sabi ng ate niya.


Medyo humaba ang usapan namin nga ate niya. Napag-alaman ko ring may pinuntahan palang lamay ang kaniyang ina kaya wala ito sa kanila. Natuwa rin ako nang makitang malaki at nagdadalaga na ang mga pamangkin niya. Si Kaye na dating bibong-bibo pag bumubisita ako ay tahimik ngayon at halos hindi umiiimik. Nahalata ko ring kanina pa ito nagnanakaw ng tingin.


Nang napansin kong mejo lumalalim na ang gabi ay nagpaalam na akong umuwi. Inanyayahan naman ako ng ate niya na doon nalang magpalipas ng gabi at aabutin pa ng dalawang oras ang biyahe mula sa kanila hanggang sa amin ngunit tumanggi ako dahil na rin sa napag-usapan namin ni Mama. Nagpaalam na ako at umalis.


“Sandali lang Jhay, ihahatid na kita sa may labasan.”, pahabol niya nang makalabas ako sa pintuan ng bahay ng ate niya.


Tahimik lang akong sumunod sa kanya hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ng aking motorsiklo.


“So I guess, this is goodbye once again?”, sabi ko.


“I really wish it isn’t.”


Nakita kong bahagyang lumongkot ang ekspresyon nito.


“Jhay…”


“Hmm? Ano yun?”, sagot ko.


“Pwede bang maging tayo ulit?”


Hindi ko inaasahang ganun ang sasabihin niya kung kaya hindi ako agad nakahuma.


“Talagang nagsisi ako ng husto nang maghiwalay tayo. Sa ilang taong hindi tayo nagkita o nagkausap man lang, halos araw-araw kitang naiisip. Tinatanong ko lagi ang sarili ko kung okay ka pa kaya, kung ano na ang ginagawa mo o kung may bago ka na ba. May mga oras nga na pag tulog ako, naririnig nalang ako ni ate na tinatawag ang pangalan mo. Halos mabaliw ako Jhay.”


Tahimik lang ako.


“M-M-May iba na ba?”, nag-aalangang tanong niya nang hindi ako sumagot.

 
Ngumiti ako.


“Wala.”


Ngumiti siya.


“Handa ka na ba?”, tanong ko.


“Handa sa?”


“Handa ka na bang ipagpalit at isuko ang lahat-lahat para lang sa akin gaya ng ginawa ko noon para sa’yo? Kaya mo na ba akong mahalin nang walang pag-aalinlangan? Kaya mo na bang maging tapat at totoo? Kung hindi pa, hindi pa ngayon ang tamang oras para sa atin. Magkakasakitan lang ulit tayo pag pinilit natin ang mga sarili natin.”


Sa sinabi kong iyon, isang matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi.


WAKAS

Wednesday, May 23, 2012

KAHIT SANDALI: Part 12

Matapos ang lahat ng gawain sa opisina ay agad akong dumiretso sa paaralan ni Jake para sunduin ito at para matupad ko na rin ang pangako ko rito.


Eksaktong dismissal nang dumating ako. Nakita ko si Jake na masayang nakikipagtawanan at nakikipaglaro sa mga kaibigan at kaklase nito. Napangiti ako, dahil sa improvement nito mula nang maaksidente ito.


"Jake, anak.", tawag ko rito mula sa gate ng paaralan.


"Daddy!!", excited na sigaw nito at saka tumakbo patungo sa direksyon ko. Nang marating ang kinaroroonan ko ay agad itong yumakap.


"Are you ready anak?", tanong ko rito.


"Opo Daddy."


"Tara na."


"Wait lang po Daddy, di ba po sabi ko may isasama po tayo ngayon?"


"Oo nga pala. Eh, sino ba 'tong isasama natin anak?"


"Si teacher po."


"Eh alam ba ng teacher mo anak na sasama siya ngayon?"


"Opo. Sinabi ko po kanina."




"Ok, sige, hintayin natin si teacher mo.", sagot ko rito at binigyan ito ng ngiti.




May limang minuto rin kaming nag-antay sa teacher ni Jake. Maya-maya ay may kumatok sa bintana ng sasakyan. Laking gulat ko nang makita kung sino ang taong kumatok. It was Byron! 




Agad namang pinagbuksan ng pinto ni Jake si Byron.




"Pasok po kayo Sir. Sir si Daddy ko po."


Halata sa mukha ni Byron ang pagkagulat nang makita ako. 


"Sir? Sir Imperial?", tanong nitong tila ba naninigurado kung tao ba talaga ang kaharap niya ngayon.


"Yes, Mr. Dela Cruz, ako nga ito.",sagot ko rito.


"Magkakilala po kayo Daddy?", maang na tanong ni Jake.


"Ah, oo anak, nagpunta siya sa kompanya 2 weeks ago.", sagot ko rito. "So, shall we go?", baling ko naman kay Byron.



"Ah, eh, opo.", kamot-kamot ang ulo na sagot nito.




Habang nasa biyahe patungong mall ay walang pag-uusap na nangyari sa pagitan namin ni Byron. Tanging sila ni Jake ang naglalaro at naghaharutan sa loob ng kotse. Natutuwa akong pagmasdan ang dalawa. Hindi rin maiwasang maisip kong muli si Eric dahil na rin sa kaunting pagkakahawig ni Byron rito.



Mabilis naming narating ang mall kung saan namin napagkasunduang mag-bonding ni Jake. Napagdesisyunan naming kumain na muna bago mag-ikot ikot para may laman naman ang aming mga tiyan. Tutal ay mag-gagabi na rin naman.



"Saan mo gustong kumain anak?", tanong ko kay Jake.




"Sa Jollibee po Daddy.", masayang sagot nito.




"Sige sige, sa Jollibee tayo.", sagot ko rito. "Okay lang ba sa inyo?", baling ko naman kay Byron at Mang Tonying na siyang driver namin. Sabay naman tumango ang dalawa.




Hindi matao ang Jollibee nang araw nang makarating kami, kung kaya naman madali kaming nakahanap ng mauupuan at nakapag-order ng pagkain. Nang makatapos na ang lahat kumain ay nagmamadaling mag-ikot si Jake kung kaya naman pinauna ko na silang dalawa ni Mang Tonying.



Naiwan naman kaming dalawa ni Byron na naglalakad di kalayuan sa likuran nila Jake.




"He's a really good kid Sir.", si Byron.



"Uhm, thank you. Please call me 'Al', hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin. Masyadong pormal.", I said with a smile.



Ngumiti ito. He looked good. Gwapo ito. Sa suot nitong white shoulder sleeved polo ay mas makisig itong tingnan kaysa noong panahong nag-audition ito.




"Ahh, eh hindi po ba nakakahiya?", tanong nitong parang bata.



"Haha. Hindi naman. Mas nakakahiya sa parte ko kung lagi mo akong tinatawag na Sir. Baka isipin ng mga tao na ang tanda tanda ko na. And please, drop the 'po' and 'opo'."




Napatawa naman ito.



"Opo Sir. I - I mean, si - sige Al.", may pag-aalangan nitong sabi.




"Masasanay ka rin."



"By the way, drop by the office tomorrow afternoon. You'll be having your contract signing."




"Talaga?"



"Ayaw mo?", nakangiti kong tugon rito.




"Syempre po, gusto. Gustong-gusto.", sabi nitong parang bata. Ngumiti ito. Halata sa mukha nito ang excitement.



Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko kay Byron. Marahil ay dahil na rin sa likas itong mabait.


 Natapos ang pamimili namin ni Jake at nagkayayaan nang umuwi. Habang nasa byahe ay nakatulog si Jake. Nasa daan kami patungo sa tinutuluyang apartment ni Byron. Ayaw sana nitong pahatid ngunit ako na mismo ang nagpumilit. Paano kasi'y andaming pinamiling gamit ni Jake at hindi na namin nakayanan ni Mang Tonying ang magbuhat sa mga ito.




"Maraming salamat nga pala.", basag ko sa katahimikan.




"Wala iyon.", sagot nito. "Nag-enjoy naman ako.", dagdag pa nito.




Ngumiti naman ako.


"Ah, Mang Tonying, dyan nalang po sa kanto ako bababa."





"Ah eh sige.", si Mang Tonying.




"Ayan ba ang apartment mo Byron?", tanong ko rito.



"Ah, eh. O-opo.", kamot-kamot na naman ang ulo na sagot nito.



"Oh, bakit ganyan ang ekspresyon mo?"




"Ah, eh, nakakahiya po kasi. Ang liit ng apartment ko."




"Kutusan kaya kita? Anong ikinakahiya mo? Marangal ang trabaho mo, mabuti kang tao, dapat ay hindi mo ito ikinakahiya. Kahit ganyan lang ang apartment mo, pinaghirapan mo pa rin iyan. And stop it with the 'po' at 'opo'. Sabi ko naman sa'yo di ba?"




Ngumiti ito bago sumagot.




"Maraming salamat talaga.", sabi nito bago bumaba ng kotse.



"Walang anuman.", sagot ko rito.





"Mag-iingat kayo. G - Goodnight na rin Al."



"Ikaw rin.", sabi ko saka nito isinara ang pintuan.



Nang makarating kami sa bahay ay kinarga ko si Jake patungo sa kwarto nito. Hinalikan ito sa noo at saka dumiretso na rin sa kwarto ko. Bago matulog ay naligo pa ako at nang matapos ay tuluyan nang nahiga.



"Today was a great day.", naisip ko saka tuluyang nakatulog.



*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*


Kinabukasan, gaya ng napag-usapan ay pumunta sa opisina si Byron.


"Ang aga mo naman yata.", sabi ko rito nang makita ko itong naghihintay sa lobby ng building. "Wala ka bang klase ngayon?", dagdag ko pa.


Ngumiti naman ito.


"Ah, wala eh. I submitted my resignation letter kaninang umaga. They were hesitant to let me go pero hindi rin naman nila ako sinubukang pigilan."


"I'm sorry to take you away from them."


"Ayos lang po 'yon. Desisyon ko rin naman po 'to eh."


"Again with the 'po' and 'opo'. Isa pa at talagang babatukan kita.", sabi ko rito saka tumawa.


Tumawa nalang rin ito.


Mula sa contract signing ay naging mabilis ang takbo ng career ni Byron. Sumikat ito. Napapatugtog na rin ang mga kanta nito sa mga radyo at nag-geguesting na rin ito sa iba't ibang mga events. Sa panahong iyon ay naging close kami sa isa't-isa. Hindi lang bilang manager at client ngunit naging matalik kaming magkaibigan. 


Paminsan minsan ay dumadalaw ito sa bahay. Minsan nakikipaglaro kay Jake. Minsan nga eh ito pa ang nagluluto.Hinayaan ko lang ito sapagkat wala rin namang masama sa ginagawa niya. Kilala na rin ito ni Gina at malapit na rin ang mga ito sa isa't-isa.


Isang araw, napagkasunduan naming tatlo na mag-inuman sa bahay.


"We should celebrate!", si Gina. "I mean, your album has been a success and now, may offer ka na galing sa pinakamalaking station sa bansa to have your own show."


"Eh hindi naman big deal yun. Saka hindi pa naman din ako nagdedecide kung tatanggapin ko ba yung offer o hindi nalang." si Byron.


"Why not? You pretty much deserve it.", si Gina ulit.


"Nah, hindi rin naman maisasakatuparan tong mga nangyayari sa kin kung di dahil dyan sa kaibigan mo eh."


"Pero, tama si Gina, we should celebrate this Byron." sabat ko naman. "You also need a break. You've been too busy this month.


Napabuntung-hininga ito.


"O sige. Sabi mo eh.", sabi nito saka ngumiti ng pagkatamis tamis.


"Uy, kayo ha, napapansin ko lang. Lately, iba na ang mga ngiti nyo sa isa't-isa. Bromance na ba --"


Hindi na nagawang tapusin ni Gina ang sasabihin nito dahil sa dinawa kong pagbatok rito na ikinatawa naman ni Byron.


"Aray ko naman! Bakit mo naman ako binatukan ha?!", baling ni Gina sa akin.


"Masyado na kasing madumi ang lumalabas dyan sa bunganga mo.", pang-aasar ko pa rito.


Nagkatawanan nalang kami.


Natapos ang inuman nang magpaalam nang umalis si Gina. Medyo tinatamaan na raw kasi siya at magda-drive pa ito pauwi. Maghahating-gabi na rin iyon.


Nang makaalis si Gina ay inumpisahan ko nang ligpitin ang mga  pinag-inuman namin. Tinulungan naman ako ni Byron. Nang matapos ay nagprisenta akong ihatid na si Byron sa bahay na naipundar nito.


"Ihahatid na kita sa inyo Ron.", sabi ko.


"Ahh, hindi na. Matulog ka nalang. Magta-taxi nalang ako.", tanggi nito.


"Alam mong mahirap kumuha ng taxi rito sa lugar namin, lalo pa at hatinggabi na. Isa pa, you had too much to drink. Baka mapano ka pabalik dito."


"I can handle my alcohol. But since you insist, fine, sleep here."


"What?"


"Sabi ko, dito ka nalang magpalipas ng gabi. Tutal wala namang trabaho bukas."


"Sigurado ka?"


"Hindi ka rin makulit eh no?", balik ko rito saka ngumiti.


Ngumiti naman din ito saka bumalik papasok sa bahay.


"Doon ka sa guest room na katabi ng kwarto ko matulog. Mauna ka na sa taas at magla-lock lang ako at saka dadalhan nalang rin kita ng damit at tuwalya.


"Yes boss!", sagot nito saka tumalima paakyat sa kwarto.


Nang maka-akyat si Byron ay tiningnan ko kung nakalock ba ang lahat ng pintuan at bintana sa baba saka sumunod rito. Ikinuha ko siya ng damit at tuwalya sa kwarto at dinala sa guest room. Ngunit pagpasok ko roon ay tulog na ito at nakahiga sa kama.


"Tch! Tingnan mo nga naman. Ambilis makatulog.", napailing nalang ako at ipinatong ang damit at tuwalya sa bedside table.


Akmang tatalikod na ako upang lumabas ng kwarto nang biglang hilahin nito ang braso ko dahilan upang matumba ako rito. Babangon sana ako ngunit iniyakap na niya ang kabilang braso sa katawan ko. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako nito.


"Stay still.", sabi nito. "Dito ka muna sandali."


Agad akong pinamulahan sa sinabi niya.


"A-ano bang nangyayari sa'yo? Wui. Bitawan mo nga ako.", sabi ko naman.


Agad naman itong bumitaw. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko.


"Andami mong kalokohan!", sabi ko.


Pero nginitian lang nito ang sinabi ko dahilan upang muling mag-init ang tenga ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto ko.


"Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?"



ITUTULOY...

Sunday, May 20, 2012

KAHIT SANDALI: Part 11


Habol habol ang hiniga ko nang marating ko ang information desk ng ospital. Daig pa ng puso ko ang tambol sa lakas ng kabog nito. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Takot na mawala sa akin ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.


Agad kong tinanong ang nurse sa information desk kung nasaan ang kwarto ng anak ko. Nang maibigay niya sa akin ang impormasyon ay dali-dali kong tinakbo ang pasilyo patungo sa mga elevator. Nang makasakay ay paulit-ulit kong pinagdarasal na sana'y 'wag mawala sa buhay ko si Jake.


Bumukas ang pintuan ng elevator at kasabay sa pagbukas nito ang pagbagsak ng mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo. Lumabas ako ng elevator at tinungo ang silid ng anak kong mula sa elevator ay nasa ikawalong kwarto sa kaliwang pasilyo.


Nang marating ko ay napatigil ako sa harapan ng pintuan. Pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko.


ISA...


DALAWA...


TATLO...


I readied myself for what I might see. Then, I opened the door.


Nakita kong nakatayo si ninong sa may paanan ng kama kung saan nakahiga si Jake. Naisara ko na ang pintuan nang napansin nitong dumating na ako.


"Hijo, nandito na ka pala.", sabi nito habang lumalapit sa akin.


"Kamusta siya ninong?", tanong ko sa kanya pagkatapos kong magmano.


"He's stable. The impact of the car crash caused him to lose his consciousness dahil sa pag-untog ng ulo niya sa dashboard. Maswerte pa rin siya at iyan lang ang naging damage. Mabuti nalang at naprotektahan siya ng driver before the crash.", paliwanag nito.


"I should've been there."


"Don't be too hard on yourself. You never wanted this. None of us did. Accidents happen hijo."


"How about the other party?"


"Everything is being taken care of. Nag-iimbistiga pa ang mga pulis. Just be happy that your son is ok. Hijo, mauuna na ako. I still have an eight A.M. meeting tomorrow."


"Sige po ninong. Maraming salamat."


Lumapit ako sa kama kung saan mahimbing ang tulog ni Jake. Pinagmasdan ko ang mukha nito. May benda ito sa kanang bahagi ng ulo niya, may mga pasa sa kanang braso. I couldn't bear seeing him like that. At muling tumulo ang luha ko.


"Pasensya ka na anak ha. I should have been right there for you."


Isang halik sa noo ang iginawad ko kay Jake.


♫♪♪ Nais kong liparin ang himpapawid
at maabot ang ulap at langit
Nais kong marating ang asul na dagat alamin ang kanyang rikit
Nais kong mahiga sa kandungan ni ina at lasapin ang kanyang mga haplos
Nais kong marating ang paraiso
upang doon ay mamahinga
itong pagod kong puso
Sa pangarap lang makakamtam ang inaasam
Sa pangarap lang malalasap ang saya nitong aking buhay
Sa pangarap lang maghihintay
Sa pangarap lang aking mahal
Doon ako'y maghihintay
Aking mahal….♫♫♪


I fell asleep.


"Al..." narinig kong tumatawag sa akin.


"Al...."


"Al......"


"Huh?"




"Al.."


And then I realized who the voice belonged to. It was....


"Eric..."


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Sobrang saya. Ngunit may halong pagtataka.


"How is this possible? You're gone.. What..."


"Shh.. Makinig ka muna. I here to tell you that everything's gonna be ok. You know, I really missed your smile. Baka naman gusto mong ngumiti dyan."


Napangiti naman ako.


"You still know how to get me.."


"How can I forget. Mahal na mahal kita Al. But you have to move on with your life. There will be someone who will love you as much as I do. Maybe even more. I'm okay with that as long as you don't get hurt. Kaya nga ako nandito ngayon. I'm here to tell you, our baby is gonna be okay. Gagaling si Jake. Wag kang mag-alala."


"I miss you Eric."


"I miss you too. Now, wake up. Magigising na rin si Jake. You have to be there for him when he wakes up. Kailangan ka niya. Now more than ever. I love you."


"Eric wait!!!"


But it was too late. Biglang nawala si Eric sa harapan ko. Then I felt a movement. Nagising ako.


"Da-Daddy."


"Jake."


Niyakap ko si Jake.


"Nandito na si Daddy anak. What do you need. Tubig? Are you hungry?"


Naramdaman kong may pumatak sa leeg ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa anak ko.


"Why are you crying anak? Shh... Don't cry. Everything's okay."


"Daddy. I'm scared."


"Shhh. Don't be. Guess what."


"What po?"


"I talked to your Daddy Eric. And he said that everything is gonna be okay."


"Daddy Eric? But he's dead na diba Daddy?"


"He showed up in my dream. More handsom and dashing than ever. And he wishes us well. He told me that we should keep on living our lives even though someone we love so much can't be with us anymore. Kasi, may mga tao parin na nagmamahal sa atin. That's why, pagkalabas na pagkalabas mo dito sa ospital anak. We'll go shopping. We'll do all the things that you want together. Okay ba yun?"


Isang ngiti lang ang isinukli ni Jake.


"Bakit anak? May problema ba?"


"Daddy, can we invite someone to come along?"


"Sure anak. Whatever you want."


"Talaga po?"


"Oo naman."


Ngumiti naman ang bata. Marami kaming napag-usapan ni Jake. Mga lugar na gusto naming puntahan, at mga bagay na gusto naming gawin hanggang sa dalawin na kami ng antok. Kung kanina ay hindi ako mapalagay, sa pagkakataong ito, panatag na ang loob kong matulog. Dahil alam kong binabantayan kami ni Eric mula sa kinaroroonan niya.



Itutuloy....




(thonat19@gmail.com)
JiJei

KAHIT SANDALI: Part 10

Nagising ako nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.


"Daddy, kakain na po." sabi ng isang maliit na tinig na alam kong si Jake.


"Ganun ba anak, sige, susunod na ako." sagot ko naman.


Nakatulugan ko palang bukas ang laptop. Muli kong naalala ang mga napanood ko kagabi. It was heartbreaking - seeing him again. Seeing him yet not being able to even hold him hurts like hell.


Muling nangilid ang mga luha sa mata ko. I was on the verge of crying when a knock on my door brought me back to reality.


"Dad, may pasok pa po ako. Kain na po tayo." si Jake


That's right, may anak pa pala ako. Kung may premyo lang ang pinakawalang kwentang tatay, malamang nanalo na ako nun.


"Palabas na anak. Magtoothbrush lang ako. You can start eating without me." sabi ko naman habang pinupunasan ang mga luhang di na napigilang umagos mula sa mga mata ko.


Mabilis kong inayos ang sarili ko. Naghilamos, nagtoothbrush bago bumaba. Nang marating ko ang kusina ay tapos nang kumain si Jake. Lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi saka nagpaalam.


"Bye dad." sabi nito. Saka tumalikod at dumiretso sa kotse.


Tiningnan ko lang siya habang papalayo. Andami ko nang pagkukulang sa anak ko.


Nang umaga ding iyon, hindi ako kumain, naligo nalang ako at dumiretso na papuntang office. Nagpatayo ako ng talent center kung saan ang mga independent artists ng Pilipinas ay sinasala namin at kung sino ang magagaling at may ibubuga ay sinusuportahan at pinapasikat.


Marami na rin kaming napasikat at ngayon ay may auditions kami uli. We've had dance auditions the week before and now we're holding auditions for those who have singing potential.


Nang makarating ako sa office ay marami na ang nakapila. Kung kaya naman the moment I stepped inside the audition room, we started the auditions. Some auditioned in pairs and some did solo acts.


Marami na ang natapos sa audition at wala pa ring nakakakuha ng atensyon ko. Most of them are good singers pero para bang may hinahanap ako. Ngayon, I'm down to the person na mag-o-audition.


"Byron Dela Cruz please come in." sabi ng assistant ko.


I was checking out his application form and saw that he had no picture attached.

"So, Byron, you're 25 years old, a B.S. in HRM graduate and is the only child of Mr. and Mrs. Eduardo Dela Cruz. Is this correct?" tanong ko na nanatiling nakatingin sa application form.


"Opo sir." sagot naman nito.


"Ok, so what are you going to sing for us today?" tanong ko ulit.


"Uhmm, Forever po sir ng Rascal Flatts." sagot naman nito.


"Forever, hindi ko pa naririnig 'yan. Pero sige. You can start." sagot ko naman.



I miss you so much
Your light, your smile, your way
and everything about us.
Now you're gone,
You're still here in my heart and in my tears.
Yeah you sure left your mark.
We were just getting started

[Chorus:]
It wasn't long enough,
It wasn't long enough together
but it was long enough,
yeah it was long enough to last forever.

Sometimes I get so mad, I scream, I swear at this
cause this isn't how we planned it.
I sit here in a cold room
prayin', waitin' on you,
to run back through that door,
to the way is was before
you left

[Chorus]

Been cheated (I've been Cheated)
Defeated (defeated, to believe)
To believe that you're gone.
(You're gone, you're gone)
Ooh it was wrong (so wrong, so wrong)

It wasn't long enough
It wasn't long enough
It wasn't long enough

No

[Chorus]

It wasn't long enough [x6]


Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko nalang nang tumulo ang mga luha ko. Maraming mas maganda at mas magaling kumanta kaysa kay Byron pero sa pagkanta niya, he has this quality that when he sings, he makes you wanna listen. Full of emotions, iyon bang parang ginawa ang kanta para sa kanya. Para bang napakasakit ng mga napagdaanan niya sa buhay.


Pinahid ko ang mga luha ko bago nagtaas ng tingin. I was stopped when I saw Byron. He was at least 5'11 sa tantiya ko. Moreno, may biloy sa kaliwang pisngi na lumabas nang ngumiti siya sa akin nang tingnan ko siya. Slim built ang katawan but what captured me the most was his facial features which resembled Eric.


Medyo matagal bago pa ako natauhan at nang matauhan ay agad akong nagbigay ng komento.


"Congratulations Mr. Dela Cruz. Looks like you'll have to be ready for the recording of your first album." sabi ko.


"Talaga ho sir? Naku, maraming maraming salamat po. Ang laki ho ng maitutulong nito sa akin." sabi nitong halos tumalon sa tuwa.


"Yes, so we'll give you a call para sa isang meeting and we'll talk about the details."


"Sige po sir. Maraming salamat ho ulit."


Iyon lang at natapos din ang mahabang audition day. Nang tingnan ko ang oras ay alas-nueve y media na.


“Sige na Rachel, mauna ka na. Magliligpit lang ako ng gamit at aalis na rin ako. Lumalalim na ang gabi.” Sabi ko sa assistant ko.


“Sige po sir, ingat ho kayo.” Sabi naman nito.


“Sige.” Sagot ko.

Agad kong tinungo ang office ko mula sa audition room. Nang papalapit ako sa office ay bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Nang makapasok ako sa office ay narinig kong tumutunog ang cellphone ko. May tumatawag pala at unregistered number ang nakadisplay.


“Hello?” pagsagot ko sa tawag.
“Hello, is this the father of Jake Alfonz Imperial?” tanong ng nasa kabilang linya.


“Yes, this is him speaking, bakit po?” sabi ko naman.


“This is doctor Paul Lacson, you’re son is in critical condition. I’ll explain the details when you get here. He’s at St. Paul’s Hospital. Please come quickly.”


Iyon lang at naputol na ang linya.


Hindi ako makagalaw nang mga oras na iyon.


No, not Jake. Please don’t take away my son.” Nausal ko nalang.


Itutuloy….


__________________________________________


by: Ji Jei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)


__________________________________________