Monday, February 1, 2016

JUST FRIENDS

Just a short one from a recent experience. 

Just like the title of this entry, I fell accidentally in love with a 34 year old English guy. Yeah, he's from England.


Let me describe the guy to you. 


He's 5 ft 7 inches in height. He's physically fit. Handsome. Great smile. Confident. He's a total package.


Where did we meet? Social network. 


So, we had a casual conversation. The type where you ask questions to get to know the basic things about each other and we decided to meet up. I was always postponing because based on his pictures, he was gorgeous and I'm, well, I'm me. Ordinary. 


We decided to meet last night, right after my shift at work. Grabbed a few bottles, talked a lot and as the night grew older, I found myself getting attracted to him. He was just so at ease and so confident. He was cool when my friends joined us for drinks and got them talking. 


We found that we had a lot in common. We both love travelling. We both love nature. We both love music and good food as well. I felt like, maybe this was it. That he was the one after being single for so long.


As the night ended, I had to drop him off at his place because transportation in our town is limited during the night. We said our goodbyes and that was it.


The next morning, he told me that he had a great time but it was "JUST FRIENDS" for the two of us.


Alam mo yung feeling na parang bigla mong naramdaman na may something sa loob mo na nagbreak? That was exactly what I felt earlier today nung binasa ko ang text message niya. I had to force myself to reply and say that it's actually better if we were just friends. 


So I'm writing this here because I have nowhere to vent this out on. I know, this is a crappy entry pero I can't think straight.


I mean, how the fuck is it possible to fall for someone overnight?! It's not fair. 

Tuesday, January 22, 2013

PANYO



JULY 27, 2011


Sabi nila, masama daw ang magregalo ng panyo. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala dun. Sa palagay kasi eh wala namang masama kung magbigay ng panyo ang isang tao sa kapwa. Dahil sa pagbibigay nito, sigurado namang maganda ang intensyon ng taong nagbibigay sa taong bibigyan.


Apat na taon na kaming magkakilala. 


Sa loob ng apat na taon na iyon, wala akong naalalang naging bonding namin. Walang usapang tumatak. Pero ngayon, heto at mag-aanim na buwan na kaming nagsasama. Isang relasyong ipinagbabawal ng aming mga magulang. Isang relasyong mali sa mata ng maraming tao.


Totoo pala yung sinasabi nila ano?


Yun bang sa umpisa lang pala ayos ang lahat. Sa simula lang madali. Sa simula lang masaya.


Kaya nga raw naimbento ang "monthsary", kasi karamihan ng relasyon sa panahon ngayon, hindi na umaabot ng taon.


Masaya naman kami. Yun ang pagkakaalam ko. Pwedeng hindi buong araw masaya. Pero may moment naman sa isang buong araw na masaya kami. Kaya araw-araw, masaya kami.


But that's what I thought. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang iniisip nya eh. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.


Pero ako, walang duda, masayang-masaya. Hamakin mo ba namang makarelasyon mo ang taong apat na taon mong minahal ng palihim 'di ba? Sinong hindi matutuwa nun?


Pero nitong mga nakaraang araw, parang umabot na sa puntong puro away-bati ang naging drama namin. Hindi ko nga rin talaga alam kung bakit eh, pero napakaseloso ko. Kahit sa mga maliliit na bagay-bagay. Siguro, praning lang talaga ako.


Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Daddy Rovi. "Kung saka-sakaling maghiwalay kayo, ikaw ang sisisihin. Sinasabi ko sa'yo", sabi niya. "Given the fact na hindi ka niya lokohin ha. Kasi JJ, iniisip mong madali kang palitan. Ilang beses ko nang sinabi sayo at sasabihin ko ulit, na walang magandang maidudulot yang insecurity mo."


At sinermonan pa ako ng isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan. "Alam mo kasi, sayang. Matalino ka pa man din. You have many good qualities. Pero babagsak ka dahil sa insecurities mo.", sabi ni Kent.


Minsan nga napaisip ako eh. Kung paano ba akong nakilala agad ni Daddy Rovi. Tama naman kasi lahat ng sinabi niya. Pero and punto ko lang naman, hindi mahirap mainsecure kung ang mukha mo eh, konti nalang, papasa ng p'wet ng kaldero, butas butas pa.


With all that's been going on, bumili ako ng tatlong pirasong panyo. Isang pink, isang blue, at isang puti. Ugali ko na kasing pinupunasan ang ilong at noo nya pag namamawis eh. Sa tatlong panyong yun, puti nalang yung natira. Pano naman kasi, yung blue, naiwan sa kanal. Yung pink, naiwan sa sasakyan.


Dumaan ang mga araw na medyo napapadalas ang mga away-bati namin hanggang humantong na sa huling linggo ng klase sa buwan ng Disyembre kung kailan naka-schedule ang field trip namin sa Maynila.


Alas tres ng umaga ang alis namin. Nang araw na iyon ay ginising niya ako. Naligo, nagtooth-brush, nagbihis at kumain ako bago mag-alas tres. Nang pumatak ng alas tres sa suot kong relo ay nagpaalam na ako sa kanya. Isang halik sa labi ang pabaon niya sa akin nun.


"Maghanap ka ng iba dun ha.", sabi niya.


"Bakit?", tanong ko.


"Ahh, so may balak ka talagang maghanap ng iba? Subukan mo lang, basag 'yang mukha mo sa 'kin.", sabi nito.


Tumawa ako. 


At least alam kong ayaw niya akong mapunta sa iba. Mahal niya ako. At yun ang pinanghahawakan ko.


Nang matapos ang field trip ay bumalik na kami sa probinsya namin. Sinorpresa niya ako. Talagang bumalik siya sa boarding house para makita at makasama ako. Isang buong magdamag na naman kaming nagkwentuhan. Nakakatuwa nga eh. Paano ba naman, sinasampal, sampal niya ako. Pero yung tipo ng sampal na kontrolado, at siguradong hindi ako masasaktan. Ganun kasi siya kapag namimiss niya ako eh.


Matapos ang araw na iyon ay medyo natagalan ulit bago kami nagkita. Magpapasko na pero hindi ko pa siya nakakasama.


Noong bisperas ng gabi ay nagpadala ang ng text message sa kanya. Isang hiling. Na sana ay magkasama kami sa araw ng Pasko.


Kinaumagahan, nagsimba ako. At pagkatapos na pagkatapos ng misa ay dumiretso ako sa bahay nila Tita upang makigamit ng laptop. 


Habang nag-la-log out ako sa Facebook, pag-angat ko ng tingin, nagulat ako nang makita ko siya sa harap ko. I smiled. Scratch that, I almost cried. Syempre, namiss ko siya. He made my day complete. Lalo na at Pasko.


Dumating ang buwan ng Enero. Magbibirthday siya. His debut. Tinanong ko siya kung ano ang paborito niyang kulay.


"Pink", sabi niya. "Ano na naman yan?"


"Wala. Secret", sabi ko.


Bumili ako ulit ng panyo. Pink. Na tumagal lang naman ng isang araw at nawala rin ulit. Syempre, na-disappoint ako.


"Ayus lang yun. Sa dami ng inaasikaso niya para sa birthday niya, sigurado  naman akong hindi niya sinasadyang mawala yun eh.", naisip ko nalang.


Dahilan kung bakit bumili ako ulit ng panyo. Pero nang binigay ko sa kanya ay tinaggihan nito.


"Bakit?", tanong ko.


"Eh kasi nga, lagi nalang nawawala. Sayang naman. At isa pa Jay, hindi mo ba alam na masamang magregalo ng panyo?", sabi niya.


"Sige nga, bakit bawal magregalo ng panyo?"


"Basta lang. Mas okay nang ako nalang ang bumili ng panyo para sa sarili ko kesa naman sa bigyan mo pa ako."


Tahimik lang ako.


Palihim kong inilagay ang panyo sa bulsa ng bag niya. Palibhasa kasi, hindi niya alam kung bakit ko siya binibigyan ng panyo.


Bakit nga ba?


Kasi, paano nalang kung wala na kami? Sinong magpupunas ng luha niya sa t'wing iiyak siya ng dahil sa pamilya, sa skwela at sa mga problema niya. Sino na magpupunas sa kanya pag namamawis siya?


Binibigyan ko siya ng panyo para sa t'wing may mangyayari na magpapaiyak sa kanya, nandyan ang panyo ko para damayan siya.


"Wag mong wawalain ang panyo ko ha. Dahil yan ang patunay na nandito lang ako lagi para sa'yo. Yan ang patunay na nadito lang ako at patuloy na magmamahal sa'yo."


JANUARY 8, 2011 ---- Naghiwalay kami.



WAKAS

Monday, January 14, 2013

KAHIT SANDALI: Chapter 14


JHAY


This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional. 
PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)
 ***********************************************************






Nang makauwi ako nang gabing iyon ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang paghalik sa akin ni Byron. It's like I can still feel his lips on mine.


"Shit!", naibulalas ko nalang.


Hindi ako halos nakatulog nang gabing iyon dahil sa nangyari. Kung kaya naman tinanghali na ako ng gising.
Masakit ang ulo ko nang magising ako. Medyo matagal na rin mula nang huli akong uminom. Marahil hindi na sanay ang katawan ko. Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.


Sinubukan kong tumayo pero bigla akong nahilo at natumba sa sahig.


Isang pares ng paa ang nakita ko bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.


BYRON


"Tito Byron!", masayang salubong sakin ni Jake.


"Hey. Kamusta? Asan ang Daddy mo?", tanong ko rito sabay karga.


"Tulog pa po eh."


"Ahh ganun ba, sige puntahan ko muna sa kwarto niya sandali ha."


Tumango naman ang bata. Ibinaba ko ito at madali itong bumalik sa panonood ng TV.


Sa totoo lang, kinakabahan ako kung ano ang magiging reaksyon ni Al sa nangyari kagabi. Mas ikinatakot ko kung sakaling mag-iba ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ko kakayanin yun.


Mula nang naging malapit ako dito ay naramdaman ko nalang na unti-unti na akong nahuhulog dito. Wala kang hindi magugustuhan kay Al. Mabait, maalagang ama, maalalahanin, laging inuuna ang kapakanan ng iba.


Nung una ay sinubukan kong labanan ang nararamdaman ko dahil alam kong hindi dapat. Lagi kong sinasabi sa sarili kong pareho kaming lalake kaya hindi pwede. Pero nung gabi ng party, hindi ko naiwasang tuluyang bumigay sa nararamdaman ko at hinalikan ko siya.


Akala ko magagalit siya, sasapakin niya ako, pero hindi. Instead, he told me to go home instead. Ni walang bahid ng galit.


Umuwi ako nung gabing iyon na siya ang nasa isip. His kiss was sweet. That's when I decided to confess my feelings. Wala na akong pakialam kung magalit man siya. Basta gagawin ko ang lahat para lang mahalin niya rin ako.


Kinatok ko ang kwarto niya. Doon ko narinig ang pagbagsak ng isang mabigat na bagay. Agad akong kinabahan kung kaya binuksan ko ang pinto at nakita ko ang bagsak na katawan ni Al sa sahig.


Agad ko itong tinakbo at binuhat. Inihiga sa kama. Agad ko ring kinuha ang cellphone ko para tumawag ng doktor. Nang ibalik ko ang tingin ko rito ay nakita kong may dugo ang kanang noo nito.


"Oh God.", alalang sambit ko.


Agad akong nagpakuha ng first aid kit sa katulong. Nilinis ko ang sugat nito.


"Please let him be okay. Please.", wala sa sarili kong nasabi.


**********


"Kamusta ho siya Dok?", narinig kong tanong ng isang pamilyar na tinig.


I tried opening my eyes pero hindi ko magawa. I tried to speak pero hindi ko rin magawa and then I felt myself losing consciousness again. Nang muli akong magising ay nakita kong tulog si Byron sa upuan na nasa tabi ng kama ko.


Sinubukan kong umupo.


Nagising ito.


Dali itong tumayo.


"Okay ka lang ba? How are you feeling?", agad nitong tanong.


"O-okay lang. Ba't ka andito?", tanong ko.


Ngunit imbes na sumagot ay bigla ako nitong niyakap.


"Thank God.", nasabi nito. "Please don't make me worry like that again."


"Teka teka, ano ba nangyari?", takang tanong ko, nakayakap pa rin ito sa kin.


Kumalas ito sa pagkakayakap.


"You really don't remember?"


"Magtatanong ba ako kung naaalala ko?", sagot ko rito.


"Natumba ka kanina. Anemic ka raw sabi ng doktor. He advised that you rest for a week.", sabi nito.


Naalala ko ang nangyari kanina. Nasapo ko ang noo ko and I felt it throbbing. May sugat.


"Naalala mo na?", tanong nito.


Tumango ako.


"Si Jake?", tanong ko rito nang maalala ang anak ko.


"He's asleep. He was quite worried."


Hindi ako sumagot.


Bigla namang tumunog ang tyan ko.


Natawa naman si Byron.


"Sandali, ikukuha kita ng makakain.", sabi nito.


"S-sige.", sagot ko nalang. 


Pagbalik ni Byron ay may dala na itong pagkain. 


Champorado.


"Para naman akong maysakit sa ipapakain mo sa 'kin.", sabi ko.


"Bakit? Wala nga ba?"


"Anemia lang naman. Madali namang bawiin yan", sagot ko.


"Lang? Eh natutumba ka na at lahat tapos anemia LANG? Alam mo ba kung gaano ako nag-
alala sa'yo?"


Natahimik ako.


Marahil ay narealize din nito ang mga nasabi ay natahimik rin si Byron.


"Sorry. I was just worried.", basag nito sa katahimikang namagitan sa amin.


"I-it's alright."


"Kain ka na. Susubuan nalang kita.", sabi nito.


"Kaya ko naman siguro kumain Byron. Kung gusto mo saluhan mo nalang ako. Tutal mukhang buong kaserola 'tong nilagay mo rito sa bowl."


Napangiti ito.


"Sige.", sagot nito.


Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. We talked about the week long vacation na mangyayari dahil sa advise ng doktor.


"So whay do you plan to do?", tanong nito.


"I don't know. I guess, magba-bonding nalang kami ni Jake. It's been too long mula nang makapagbakasyon kami."


"Okay. Uhm, hindi mo ako isasama?"


"You have your scheduled press conference three days from now. May mga guestings ka pa."


"I got them all cancelled.", agad nitong sagot.


Napatigil ako.


"Don't flip out okay. Ako mismo ang kumausap sa lahat ng taong in-charge sa mga schedules na yun. They were okay about it."


I sighed.


"Ano pa bang magagawa ko eh cancelled na yun.", nasabi ko nalang.


"So, am I in?", nakangiti nitong tanong.


"KKB."


"Ang kuripot nito!"


"Dapat lang yan. Dahil kinasel mo nang walang authorization from your manager lahat ng sched mo."


Tumawa ito.


"Fine. Where do you plan to go?"


"South Korea."


"South Korea it is. Want me to book those tickets for tomorrow?"


"Sure."


We talked about many things. Hindi na namin napansing mag-uumaga na pala. We decided to call it a night at natulog na. Sinabihan ko si Byron na sa guest room nalang matulog.


"So, goodnight?", sabi nito.


"Good morning.", sagot ko naman.


Ngumiti ito saka tumalikod at naglakad palabas. He turned off the lights at isinarado ang pinto.


I turned on the lampshade sa side table. Umayos na rin ako ng higa at pumikit. Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ulit anv pintuan. Pumasok si Byron. 


"Bakit?", tanong ko.


"Last night, you said it was because we were both drunk. But I'm gonna prove you wrong."


"What do you mean?", takang tanong ko.


Imbes na sumagot ay lumapit ito sa akin at hinalikan ako.


It was gentle. He was a good kisser. That's for sure.


Maya-maya pa ay natagpuan ko ang sariling gumaganti sa halik nito. 


The kiss got deeper. Naging mapusok. Then, he stopped.


"So I guess that means, you like me too.", sabi nito nang maghiwalay ang mga labi namin.


Ramdam kong bigla akong namula. Hindi ako nakasagot.


Tumawa ito. 


"I guess that's a 'Yes'.", sabi nito. Then he kissed me again. This time, it was just a peck on my lips.


"Goodnight.", he said smiling. Tumayo ito at lumabas ng kwarto.


"Good grief! What the hell did I just do?!? Tama ba 'tong ginagawa ko?", tanong ko sa sarili.


Somehow I feel like I've betrayed Eric. But a part of me says that I didn't do anything wrong.


I decided to sleep it off. Pero alam kong haharapin ko pa rin ang nangyari kinabukasan.


For now. I wanted the taste of Byron's lips to remain.


For now.



ITUTULOY...

Monday, October 22, 2012

A GOOD NIGHT

"Hoy Jun-Jun, dun tayo upo mamaya malapit kila Marian. Wala naman din si TL eh", sabi ni Mel.


Nasa restaurant kami noong mga oras na yun. It was before our shift sa call center and we were relaxing before the stressful 9-hour shift.



Kakaunti lang ang tao sa sikat na kainan, the mood is just right, the music is nice.




"This will be a good night.", naisip ko.





"Oo. Dun din ako uupo mamaya. Namimiss ko na yung dating team natin

 eh.", sagot ko.


"Sige. Oo nga pala Jun, kamusta naman kayo nung Nico?", tanong nito.


"Nico? Okay naman kami. But we barely have time to see each other. Sa t'wing darating kasi ko sa apartment, paalis na siya, tapos pag dumadating siya, wala na rin ako. So sa twing off nalang kami nagkikita, at isang beses lang sa isang linggo.", mahabang sagot ko.


"Oo nga 'no? Pahamak kasi yang pagpalit ng schedule eh."


"Sinabi mo pa. Nawawalan na rin tuloy kami ng sex life.", sagot ko saka tumawa.


"Abnormal! Hala ka te, baka maghanap yun ng iba."


"Naku subukan niya lang talaga, titirisin ko siya ng pinong pino."


"Sinong titirisin mo?", sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.


Nasamid si Mel nang makita kung sino ang sumulpot. Natawa tuloy kami.


Si Nico.


Lumingon ako saka ngumiti.


"Hi.", sabi nito saka yumuko at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.


"Hey, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ka pa ba napapagod?", tanong ko rito.


"Ayos lang. Makita lang kita, nawawala na ang pagod ko.",pambobola nito.


Natawa kami ni Mel.


"Puro ka kalokohan. Mamaya magkasakit ka ulit nyan eh.", sabi ko.


"Naku, kinikilig ka naman eh.", si Mel. "Naku, halika dito Nico, maupo ka. At ikaw Hunter, tumayo ka dyan at bilhan mo na ng makakakain 'tong asawa mo. Alam mong kakagaling lang sa shift, malamang nagugutom na to.", dagdag pa ni Mel.


Sabay naman kaming nagkatawanan ni Nico.


Tumayo nga ako at umorder na. Alam ko naman din ang gusto ni Nico kaya hindi ko na tinanong.


Nang makabalik ako ay masiglang nag-uusap ang dalawa tungkol sa mga plano sa darating na December. Swerte at nakapagfile na kami ng leave para makapag-bonding ng mas matagal.


Hindi pa rin nagbabago si Nico. Simula nang maging kami dalawang taon na ang nakalilipas ay napakasweet pa rin nito. Maalaga at maalalahanin.


"Ang swerte ko.", naisip ko.


"Babe, anong nagyari sayo? ba't ka nakatayo dyan?", tawag nito sa akin.


Lumapit ako at naupo sa tabi nito.


Mag-uumpisa na ang shift namin. Nagpaalam na rin si Nico.


Paalis na rin kami ng resto nang biglang bumulong si Mel.


"Uy gwapo oh. Teka ba't parang pamilyar siya?'", sabi nito.


Napalingon ako sa direksyon na tinitingnan ni Mel.


Napahinto ako. It all came flooding back. The memories. The pain.


"Si Dave.", sabi ko.


"OMG. Your asshole ex!"


"Tara na Mel. Wag magsasalubong ang kilay. Wag ring tataas ang isa. Nasa past na yun.", sabi ko.


I managed a smile.


We walked out the place. Umaasang hindi kami nito napansin.


May sampung metro na rin ang layo namin sa shop nang biglang may humablot sa kamay ko. It was Dave.


"Ah. Uhm, hi. Can we talk?", sabi nito.


"No. May shift kami.", si Mel ang sumagot.


"Hunt, please?", sabi nito sakin na tila hindi narinig ang sinabi ni Mel.
"Just for a while.", dagdag pa nito.


"Hindi mo ba ako narinig?", si Mel ulit.


"Mel, it's okay. Mauna ka na, I'll see you at work.", sabi ko.


"Sigurado ka?"


"Yes Mel. Ano ka ba, nanay lang?", biro ko pa.


"Tseh! Sige, I'll see you."


Sumakay na ng taxi si Mel at naiwan kami ni Dave.


"K-kamusta ka na?", tanong nito.


"Ayos lang. Nakakaraos naman. Pero, kelangan dito talaga tayo nag-uusap sa gitna ng daan? Baka naman pwede tayong maupo sa loob?", sagot ko rito.


He smiled. Still that same smile.


"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Tara. I'll buy you coffee for your shift."


Bumalik kami sa shop at naghanap ng mauupuan.


He ordered coffee and bought a cake.


"Oh, sabi mo gusto mong makipag-usap, ba't antahimik mo?", sabi ko rito makalipas ang ilang minuto ng katahimikan sa pagitan namin.


"Hindi ko kasi alam kung san magsisimula eh."


Tahimik lang ako.


"I'm sorry.", sabi nito.


Napakunot ang noo ko.


"For what? Nakahithit ka ba?", pabirong sagot ko. Trying to ease the tension in the air.


"For everything. For all the bullshit. I'm sorry."


I smiled.


"Alam mo bang matagal ko nang hinihiling na marinig yan mula sayo? But, thank you. At hindi mo kailangang mag-sorry. Because of you, I'm stronger. You taught me a lot. Teacher ka nga talaga.", sabi ko.


Tears started to form in his eyes.


"I've been a mess this past two years. Labas pasok ako sa relasyon. Walang nagtatagal. I was always looking for something. Laging may kulang sa relasyong pinapasukan ko."


Tears fell.


"Huli ko nang narealize na I was looking for you. Yung pag-aalaga mo, yung pagiging maalalahanin mo. Yung luto mo. Lahat. I was missing you so badly Hunt."


Kinuha ko ang panyo ko sa bag. Inabot ko sa kanya.


"Wipe your tears.", sabi ko. "Alam mong ayaw kong umiiyak ka."


Kinuha nito ang panyo at nagpunas ng luha.


"Hunt, I know, it's been a long time. But can you give me one last shot at us?", sabi nito.


I smiled.


"You know it's not possible. It's been three years too late. I have been a mess when you left me. I moved on. Napakahirap gawin nun Dave. You ruined every chance you had and you had plenty. I'm happy with my life now. Someone loves me for everything that I am. And I feel the same. But that doesn't mean I don't love you anymore. I do. I still do. But not like before. I only think of you as a friend now. And I hope you can accept that."


You kept quiet.


"I gotta go. May trabaho pa ako. You can keep my handkerchief. Treasure it."


Tumayo na ako at tumalikod nang magsalita ka.


"Walang araw sa nakaraang tatlobg taon na hindi ko hiniling na sana kaya kong ibalik ang dati.", sabi nito. "Sana may rewind nalang ang buhay. Para mabalikan ko ang panahong nagkamali ako sa relasyon natin. Para maitama ko ang lahat. Kaya lang wala eh. I had you. But I was so stupid. That's why we ended."


Muli itong nagpunas ng luha.


"Nakakapanghinayang lang. Andami nating mga plano noon. Pero hindi na ako ang kasama mong gagawa nun."


Bahagya itong tumawa.


"Ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan. Nakakatawa. Pero ansakit sakit."


"Shhh. Tahan na. One day Dave. Makakakita ka ulit ng taong magmamahal sayo. Yung higit pa dun sa ginawa ko. At pag nangyari yun, don't ever let him go. And don't think that you've lost me. I'm not throwing away seven years of friendship. Call me when you need me. I still have the same number. I gotta go.", sabi ko rito.


Umalis ako at naiwang humihikbi pa rin si Dave sa resto.


Nang makasakay sa taxi ay hindi ko na napigilan ang paglaglag ng mga luha ko.


Late akong dumating sa trabaho. Nang matapos ang shift ko ay hindi na ako nakaligtas sa mga tanong ni Mel. Sinabi ko naman ang lahat bg nangyari. Hindi na ito nagkomento pa.


Dumating ako sa aparment at naabutan kong tulog pa si Nico. Naupo ako sa tabi nito at binigyan ito ng halik sa pisngi dahilan upang magising ito.


"You're home.", sabi nito.


"Yes. Happy Anniversary Babe. I love you.", sabi ko.


He smiled. Lalong gumwapo ang loko.


"Happy Anniversary. Get some rest. You have work later."


"Absent ako. I just want to spend the whole day with you."


At isang halik sa labi nito ang binigay ko.


Bigla naman ako nitong niyakap at inihiga sa kama.


"I will never let you go Gray Nico Garcia."


"At sino naman ang nagsabing pwede mong subukan ha, Hunter John Atienza?"


I smiled. I'm contented.
It turned out to be a good night after all.



WAKAS.

Thursday, October 11, 2012

My Heart Won't Say "NO": Chapter 2


JHAY


This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional. 

PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)

Pasensya na rin sa suuuper tagal na update..

 ***********************************************************


Iyon ang una naming pagkikita ni Chris. He was a real funny guy. Lagi niya akong napapatawa despite the pressures that I receive from school. In time, we became really close. TOO CLOSE.


Taon rin ang lumipas at mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin ni Chris at Nathan. Ngunit kasabay ng paglalim ng pagkakaibigan ay ang nararamdaman kong paghanga kay Chris.


"Jec, seryoso ako. I wanna be your boyfriend.", si Chris.


Naiwan akong nakanganga sa sinabing iyon ni Chris. Hindi ko alam kung ginu-good time lang ba ako nito o talagang seryoso ito.


"Naku Chris, tigilan mo nga ako sa panloloko mo, kilala kita, hindi uubra sa akin yang mga trip mo.", sagot ko rito saka tumawa.


Bahagya namang nalukot ang gwapo nitong mukha. Napansin ko ito.


"Oh, ba't ganyan yang mukha mo?", tanong ko rito.


"Wala!", pagalit nitong sagot.


"Oh eh bakit galit?!", balik ko rito ngunit hindi ito sumagot.


Nang hindi na talaga ito sumagot ay dun ko napagtantong seryoso nga ito.


"Bakit?", tanong ko rito.


Napatingin ito sa akin. 


"Anong bakit?", takang tanong nito.


"Bakit ako? Hindi ba't napakarami namang nahuhumaling sa'yo? Babae, lalake, bakla, lahat sila nagkakagusto sa'yo. Ba't ako napili mo?"


"Dahil ikaw ang gusto ko. Walang mangyayari dahil lang sa may gusto sila sa akin kung hindi ko sila gusto."


"At papaano ka naman nakakasigurong may gusto rin ako sa’yo? Ikaw na mismo nagsabing hindi rin uubra dahil wala kang gusto sa kanila. What if wala rin akong gusto sa’yo? Pano uubra?”


Ngumiti ito.


“Eh sa’yo na mismo nanggaling na may gusto ka sa akin eh.”, sabi nitong nakangisi.


“Ha? I don’t remember saying I like you. At saka hindi ba ang weird nung relasyong lalake sa lalake? Ano nalang ang sasabihin ni Nathan sa atin.”


“Well, I think you do like me. And yes, it’s weird. But we will make it work. And Nathan will just be happy that you’re happy with me.”, sagot nito.


“Ang kapal rin talaga ng mukha mo no? Hindi ko alam kung puro nalang ba talaga hangin yang laman ng utak mo.”,sabi ko rito. “Dyan ka nalang nga at marami pa akong gagawing mas importante kesa makipaglokohan sa’yo!”, iyon lang ang nasabi ko at saka umalis.


Pero nang makaalis ako, hindi naman maiwasan ang kabog ng dibdib ko. Yes, I like Chris. But I also know how complicated these kinds of relationships are. Kung kaya mas minabuti kong huwag nalang itong patulan. Pero hindi ko inaasahang pangit pala ang magiging epekto ng ginawa ko sa aming pagkakaibigan.


Kinabukasan ay hindi ko man lang nakita si Chris. Kahit anino nito’y walang may makapagsabi kung saan mahahagilap. Sa mahigit isang taon naming pagkakaibigan ni Chris ay alam ko na ang takbo ng utak nito. Kung wala ito sa eskwelahan, malamang, nasa pantalan.


Abandonado ang pantalan malapit sa amin. Madalas kami kung tumambay roon. Bukod sa masarap sa pakiramdam ang hangin ay maganda rin ang mga tanawin.
Kung minsan nga eh naliligo kami at ginagawing diving board ang pinakadulo ng pantalan. Marami nang masasayang alaala ang naidulot ng pantalan. Ngunit sa t’wing nalulungkot kami, ay ditto rin kami nagpapalipas ng oras.


Dali-dali kong pinuntahan ang paborito naming  tambayan sa pantalan at hindi nga ako nabigo. Nakita ko si Chris. May katabing bote ng alak at humuhithit ng sigarilyo.


Nilapitan ko ito. Naupo rin ako sa tabi niya. Nanatili itong tahimik kung kaya’t ako na ang bumasag sa katahimikan.


"Alam mong ayaw ko ng naninigarilyo ka.",sabi ko.


Nanatili itong tahimik.


Bumuntong - hininga ako.


"Pinag-isipan ko ang sinabi mo. Tama ka. May gusto nga ako sa'yo. Matagal na. Hindi ko sinasabi dahil - dahil maraming dahilan. Ang sasabihin ng ibang tao, ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko. Magiging tingin sa akin ng mga tao."


Napatingin ito sa akin at nagsalita.


"Eh bakit mo iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Sila ba ang nagmamahal? Sila ba'ng magdedesisyon para sa'yo?"


"Aminin na natin Chris, hanggang ngayon, alam mong hindi tanggap ng karamihan ang ganitong relasyon. Maraming kokontra."


"That's why I'm asking you to take a chance with me. Please."


"I'm still scared. But I'm going to take this risk Chris. But only under my conditions."


Nagliwanag ang mukha nito.


"What? I'll do anything."


"You will stop smoking."


"Done!"


Iyon lang at bigla itong yumakap sa akin sabay halik.


"Oops! Bawal yan! Walang halik-halik! Nagsabi ba akong pwede yung mga ganyan ganyan na yan ha??!!", sabi ko rito dala ng pagka-gulat nang halikan ako nito sa labi.


"Anong bawal? Eto?", at muli nitong inilapat ang mga labi nito sa mga labi ko.


At sabay kaming nagkatawanan.


ITUTULOY.............