Monday, October 22, 2012

A GOOD NIGHT

"Hoy Jun-Jun, dun tayo upo mamaya malapit kila Marian. Wala naman din si TL eh", sabi ni Mel.


Nasa restaurant kami noong mga oras na yun. It was before our shift sa call center and we were relaxing before the stressful 9-hour shift.



Kakaunti lang ang tao sa sikat na kainan, the mood is just right, the music is nice.




"This will be a good night.", naisip ko.





"Oo. Dun din ako uupo mamaya. Namimiss ko na yung dating team natin

 eh.", sagot ko.


"Sige. Oo nga pala Jun, kamusta naman kayo nung Nico?", tanong nito.


"Nico? Okay naman kami. But we barely have time to see each other. Sa t'wing darating kasi ko sa apartment, paalis na siya, tapos pag dumadating siya, wala na rin ako. So sa twing off nalang kami nagkikita, at isang beses lang sa isang linggo.", mahabang sagot ko.


"Oo nga 'no? Pahamak kasi yang pagpalit ng schedule eh."


"Sinabi mo pa. Nawawalan na rin tuloy kami ng sex life.", sagot ko saka tumawa.


"Abnormal! Hala ka te, baka maghanap yun ng iba."


"Naku subukan niya lang talaga, titirisin ko siya ng pinong pino."


"Sinong titirisin mo?", sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.


Nasamid si Mel nang makita kung sino ang sumulpot. Natawa tuloy kami.


Si Nico.


Lumingon ako saka ngumiti.


"Hi.", sabi nito saka yumuko at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.


"Hey, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ka pa ba napapagod?", tanong ko rito.


"Ayos lang. Makita lang kita, nawawala na ang pagod ko.",pambobola nito.


Natawa kami ni Mel.


"Puro ka kalokohan. Mamaya magkasakit ka ulit nyan eh.", sabi ko.


"Naku, kinikilig ka naman eh.", si Mel. "Naku, halika dito Nico, maupo ka. At ikaw Hunter, tumayo ka dyan at bilhan mo na ng makakakain 'tong asawa mo. Alam mong kakagaling lang sa shift, malamang nagugutom na to.", dagdag pa ni Mel.


Sabay naman kaming nagkatawanan ni Nico.


Tumayo nga ako at umorder na. Alam ko naman din ang gusto ni Nico kaya hindi ko na tinanong.


Nang makabalik ako ay masiglang nag-uusap ang dalawa tungkol sa mga plano sa darating na December. Swerte at nakapagfile na kami ng leave para makapag-bonding ng mas matagal.


Hindi pa rin nagbabago si Nico. Simula nang maging kami dalawang taon na ang nakalilipas ay napakasweet pa rin nito. Maalaga at maalalahanin.


"Ang swerte ko.", naisip ko.


"Babe, anong nagyari sayo? ba't ka nakatayo dyan?", tawag nito sa akin.


Lumapit ako at naupo sa tabi nito.


Mag-uumpisa na ang shift namin. Nagpaalam na rin si Nico.


Paalis na rin kami ng resto nang biglang bumulong si Mel.


"Uy gwapo oh. Teka ba't parang pamilyar siya?'", sabi nito.


Napalingon ako sa direksyon na tinitingnan ni Mel.


Napahinto ako. It all came flooding back. The memories. The pain.


"Si Dave.", sabi ko.


"OMG. Your asshole ex!"


"Tara na Mel. Wag magsasalubong ang kilay. Wag ring tataas ang isa. Nasa past na yun.", sabi ko.


I managed a smile.


We walked out the place. Umaasang hindi kami nito napansin.


May sampung metro na rin ang layo namin sa shop nang biglang may humablot sa kamay ko. It was Dave.


"Ah. Uhm, hi. Can we talk?", sabi nito.


"No. May shift kami.", si Mel ang sumagot.


"Hunt, please?", sabi nito sakin na tila hindi narinig ang sinabi ni Mel.
"Just for a while.", dagdag pa nito.


"Hindi mo ba ako narinig?", si Mel ulit.


"Mel, it's okay. Mauna ka na, I'll see you at work.", sabi ko.


"Sigurado ka?"


"Yes Mel. Ano ka ba, nanay lang?", biro ko pa.


"Tseh! Sige, I'll see you."


Sumakay na ng taxi si Mel at naiwan kami ni Dave.


"K-kamusta ka na?", tanong nito.


"Ayos lang. Nakakaraos naman. Pero, kelangan dito talaga tayo nag-uusap sa gitna ng daan? Baka naman pwede tayong maupo sa loob?", sagot ko rito.


He smiled. Still that same smile.


"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Tara. I'll buy you coffee for your shift."


Bumalik kami sa shop at naghanap ng mauupuan.


He ordered coffee and bought a cake.


"Oh, sabi mo gusto mong makipag-usap, ba't antahimik mo?", sabi ko rito makalipas ang ilang minuto ng katahimikan sa pagitan namin.


"Hindi ko kasi alam kung san magsisimula eh."


Tahimik lang ako.


"I'm sorry.", sabi nito.


Napakunot ang noo ko.


"For what? Nakahithit ka ba?", pabirong sagot ko. Trying to ease the tension in the air.


"For everything. For all the bullshit. I'm sorry."


I smiled.


"Alam mo bang matagal ko nang hinihiling na marinig yan mula sayo? But, thank you. At hindi mo kailangang mag-sorry. Because of you, I'm stronger. You taught me a lot. Teacher ka nga talaga.", sabi ko.


Tears started to form in his eyes.


"I've been a mess this past two years. Labas pasok ako sa relasyon. Walang nagtatagal. I was always looking for something. Laging may kulang sa relasyong pinapasukan ko."


Tears fell.


"Huli ko nang narealize na I was looking for you. Yung pag-aalaga mo, yung pagiging maalalahanin mo. Yung luto mo. Lahat. I was missing you so badly Hunt."


Kinuha ko ang panyo ko sa bag. Inabot ko sa kanya.


"Wipe your tears.", sabi ko. "Alam mong ayaw kong umiiyak ka."


Kinuha nito ang panyo at nagpunas ng luha.


"Hunt, I know, it's been a long time. But can you give me one last shot at us?", sabi nito.


I smiled.


"You know it's not possible. It's been three years too late. I have been a mess when you left me. I moved on. Napakahirap gawin nun Dave. You ruined every chance you had and you had plenty. I'm happy with my life now. Someone loves me for everything that I am. And I feel the same. But that doesn't mean I don't love you anymore. I do. I still do. But not like before. I only think of you as a friend now. And I hope you can accept that."


You kept quiet.


"I gotta go. May trabaho pa ako. You can keep my handkerchief. Treasure it."


Tumayo na ako at tumalikod nang magsalita ka.


"Walang araw sa nakaraang tatlobg taon na hindi ko hiniling na sana kaya kong ibalik ang dati.", sabi nito. "Sana may rewind nalang ang buhay. Para mabalikan ko ang panahong nagkamali ako sa relasyon natin. Para maitama ko ang lahat. Kaya lang wala eh. I had you. But I was so stupid. That's why we ended."


Muli itong nagpunas ng luha.


"Nakakapanghinayang lang. Andami nating mga plano noon. Pero hindi na ako ang kasama mong gagawa nun."


Bahagya itong tumawa.


"Ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan. Nakakatawa. Pero ansakit sakit."


"Shhh. Tahan na. One day Dave. Makakakita ka ulit ng taong magmamahal sayo. Yung higit pa dun sa ginawa ko. At pag nangyari yun, don't ever let him go. And don't think that you've lost me. I'm not throwing away seven years of friendship. Call me when you need me. I still have the same number. I gotta go.", sabi ko rito.


Umalis ako at naiwang humihikbi pa rin si Dave sa resto.


Nang makasakay sa taxi ay hindi ko na napigilan ang paglaglag ng mga luha ko.


Late akong dumating sa trabaho. Nang matapos ang shift ko ay hindi na ako nakaligtas sa mga tanong ni Mel. Sinabi ko naman ang lahat bg nangyari. Hindi na ito nagkomento pa.


Dumating ako sa aparment at naabutan kong tulog pa si Nico. Naupo ako sa tabi nito at binigyan ito ng halik sa pisngi dahilan upang magising ito.


"You're home.", sabi nito.


"Yes. Happy Anniversary Babe. I love you.", sabi ko.


He smiled. Lalong gumwapo ang loko.


"Happy Anniversary. Get some rest. You have work later."


"Absent ako. I just want to spend the whole day with you."


At isang halik sa labi nito ang binigay ko.


Bigla naman ako nitong niyakap at inihiga sa kama.


"I will never let you go Gray Nico Garcia."


"At sino naman ang nagsabing pwede mong subukan ha, Hunter John Atienza?"


I smiled. I'm contented.
It turned out to be a good night after all.



WAKAS.

Thursday, October 11, 2012

My Heart Won't Say "NO": Chapter 2


JHAY


This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional. 

PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)

Pasensya na rin sa suuuper tagal na update..

 ***********************************************************


Iyon ang una naming pagkikita ni Chris. He was a real funny guy. Lagi niya akong napapatawa despite the pressures that I receive from school. In time, we became really close. TOO CLOSE.


Taon rin ang lumipas at mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin ni Chris at Nathan. Ngunit kasabay ng paglalim ng pagkakaibigan ay ang nararamdaman kong paghanga kay Chris.


"Jec, seryoso ako. I wanna be your boyfriend.", si Chris.


Naiwan akong nakanganga sa sinabing iyon ni Chris. Hindi ko alam kung ginu-good time lang ba ako nito o talagang seryoso ito.


"Naku Chris, tigilan mo nga ako sa panloloko mo, kilala kita, hindi uubra sa akin yang mga trip mo.", sagot ko rito saka tumawa.


Bahagya namang nalukot ang gwapo nitong mukha. Napansin ko ito.


"Oh, ba't ganyan yang mukha mo?", tanong ko rito.


"Wala!", pagalit nitong sagot.


"Oh eh bakit galit?!", balik ko rito ngunit hindi ito sumagot.


Nang hindi na talaga ito sumagot ay dun ko napagtantong seryoso nga ito.


"Bakit?", tanong ko rito.


Napatingin ito sa akin. 


"Anong bakit?", takang tanong nito.


"Bakit ako? Hindi ba't napakarami namang nahuhumaling sa'yo? Babae, lalake, bakla, lahat sila nagkakagusto sa'yo. Ba't ako napili mo?"


"Dahil ikaw ang gusto ko. Walang mangyayari dahil lang sa may gusto sila sa akin kung hindi ko sila gusto."


"At papaano ka naman nakakasigurong may gusto rin ako sa’yo? Ikaw na mismo nagsabing hindi rin uubra dahil wala kang gusto sa kanila. What if wala rin akong gusto sa’yo? Pano uubra?”


Ngumiti ito.


“Eh sa’yo na mismo nanggaling na may gusto ka sa akin eh.”, sabi nitong nakangisi.


“Ha? I don’t remember saying I like you. At saka hindi ba ang weird nung relasyong lalake sa lalake? Ano nalang ang sasabihin ni Nathan sa atin.”


“Well, I think you do like me. And yes, it’s weird. But we will make it work. And Nathan will just be happy that you’re happy with me.”, sagot nito.


“Ang kapal rin talaga ng mukha mo no? Hindi ko alam kung puro nalang ba talaga hangin yang laman ng utak mo.”,sabi ko rito. “Dyan ka nalang nga at marami pa akong gagawing mas importante kesa makipaglokohan sa’yo!”, iyon lang ang nasabi ko at saka umalis.


Pero nang makaalis ako, hindi naman maiwasan ang kabog ng dibdib ko. Yes, I like Chris. But I also know how complicated these kinds of relationships are. Kung kaya mas minabuti kong huwag nalang itong patulan. Pero hindi ko inaasahang pangit pala ang magiging epekto ng ginawa ko sa aming pagkakaibigan.


Kinabukasan ay hindi ko man lang nakita si Chris. Kahit anino nito’y walang may makapagsabi kung saan mahahagilap. Sa mahigit isang taon naming pagkakaibigan ni Chris ay alam ko na ang takbo ng utak nito. Kung wala ito sa eskwelahan, malamang, nasa pantalan.


Abandonado ang pantalan malapit sa amin. Madalas kami kung tumambay roon. Bukod sa masarap sa pakiramdam ang hangin ay maganda rin ang mga tanawin.
Kung minsan nga eh naliligo kami at ginagawing diving board ang pinakadulo ng pantalan. Marami nang masasayang alaala ang naidulot ng pantalan. Ngunit sa t’wing nalulungkot kami, ay ditto rin kami nagpapalipas ng oras.


Dali-dali kong pinuntahan ang paborito naming  tambayan sa pantalan at hindi nga ako nabigo. Nakita ko si Chris. May katabing bote ng alak at humuhithit ng sigarilyo.


Nilapitan ko ito. Naupo rin ako sa tabi niya. Nanatili itong tahimik kung kaya’t ako na ang bumasag sa katahimikan.


"Alam mong ayaw ko ng naninigarilyo ka.",sabi ko.


Nanatili itong tahimik.


Bumuntong - hininga ako.


"Pinag-isipan ko ang sinabi mo. Tama ka. May gusto nga ako sa'yo. Matagal na. Hindi ko sinasabi dahil - dahil maraming dahilan. Ang sasabihin ng ibang tao, ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko. Magiging tingin sa akin ng mga tao."


Napatingin ito sa akin at nagsalita.


"Eh bakit mo iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Sila ba ang nagmamahal? Sila ba'ng magdedesisyon para sa'yo?"


"Aminin na natin Chris, hanggang ngayon, alam mong hindi tanggap ng karamihan ang ganitong relasyon. Maraming kokontra."


"That's why I'm asking you to take a chance with me. Please."


"I'm still scared. But I'm going to take this risk Chris. But only under my conditions."


Nagliwanag ang mukha nito.


"What? I'll do anything."


"You will stop smoking."


"Done!"


Iyon lang at bigla itong yumakap sa akin sabay halik.


"Oops! Bawal yan! Walang halik-halik! Nagsabi ba akong pwede yung mga ganyan ganyan na yan ha??!!", sabi ko rito dala ng pagka-gulat nang halikan ako nito sa labi.


"Anong bawal? Eto?", at muli nitong inilapat ang mga labi nito sa mga labi ko.


At sabay kaming nagkatawanan.


ITUTULOY.............





Wednesday, October 10, 2012

KAHIT SANDALI: Part 13

JHAY


This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional. 


PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)

 ***********************************************************


Tinanghali na ako ng gising kinaumagahan. Nang tingnan ko ang oras ay alas nueve na pala ng umaga. Matapos magsipilyo ay tinungo ko ang kwarto kung saan natulog si Byron ngunit nang pasukin ko ang kwarto ay wala na ito.


"Baka nakababa na.", naisip ko nalang.


Nang makababa ako nakita ko si Jake na kumakain.


"Anak, ang tito Byron mo?", tanong ko rito.


"Umalis na po Daddy. Ibigay ko daw po 'to sa'yo sabi niya.", sagot naman nito sabay abot ng isang piraso ng papel sa akin. 


Good morning!! Don't be late for the company party later. :)


Iyon ang nakasulat sa papel.


I almost forgot about the company gathering.

 
"Salamat anak.", nasabi ko.

 
Agad akong bumalik sa kwarto para maligo. Kailangan ko pa kasing bumili ng regalo para sa mga empleyado ko. Taon-taon na ginaganap ang company gathering na ito. Dito ko kasi naipapakita sa mga tauhan ko na talagang importante sila sa kompanya. Ika nga nila, taking care of your employees is like taking care of your business, only better.

 
Nang matapos akong maligo ay dali-dali akong nagbihis at umalis ng bahay papunta sa pinakamalapit na mall. 


 
Halos maikot ko na ang buong mall. Halos bawat sulok natingnan ko na rin, pero hindi pa rin ako makakita ng ireregalo sa mga empleyado ko. Saka ko naalala ang nag-iisang hilig nilang lahat, Lahat sila mahilig kumanta.

 

Nagmamadali kong tinungo ang corner kung saan may stall ng magic sing at bumili para sa mga empleyado ko.Medyo may kamahalan pero okay lang dahil malaki rin naman ang kita ng kumpanya at bukod pa roon ay may kita rin ang negosyong iniwan ng mga magulang ko.

 
Nang matapos sa pamimili ay agad akong dumiretso sa opisina kung saan gaganapin ang party. Nang makarating ako ay naroon na silang lahat pati si Byron.

 
"O, akala ko di ka na dadating eh.", puna nito nang makita akong pumasok sa function hall ng building.

 
"Pwede ba naman yun? Kelan ba ako umabsent sa company party ha?", balik ko rito.

 
Nagkatawanan ang lahat. Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang kasiyahan.

 
"Okay guys, I have a gift for everyone. Uhm, since everyone in this company is a music enthusiast, I've decided to give you all something that you can use to pass by time when you're bored."

 
At ipinamahagi ko na sa kanila ang mga kahon ng magic sing.

 
"Wow, Sir Al, ang bait nyo talaga!" sabi ng isa sa mga empleyado.

 
"Ikaw talaga Mae, sinasabi mo lang naman yan pag may binibigay ako sa inyo eh.", sagot ko naman.

 
At nagkatawanan ang lahat.

 
"Ok, syempre pa, hindi makukumpleto ang party 'pag walang nangyaring kantahan di ba?", sigaw ng isang empleyado.

 
"Alam nyo bang sa tinagal-tagal nating nagtatrabaho para sa masungit nating boss, eh hindi pa natin siya naririnig kumanta, kahit minsan man lang?", hirit naman ng isa pa.

 
"Oo nga.", kantyaw naman ng iba pa.


"Pagbigyan mo na kasi.", si Byron.


Tumango nalang ako. Naghiyawan naman ang mga luko-lokong mga empleyado ko. Mabilis nilang inayos ang karaoke para makapagsimula na. Pumili naman ako ng kanta at nang makapili ay nagsimula na rin ako kaagad. 

 
I Won't Let You Go

<embed type="application/x-shockwave-flash" wmode="transparent" src="http://www.google.com/reader/ui/3523697345-audio-player.swf?audioUrl=http://www.aimini.net/view/?fid=PZWhYw7rS7zi371Gzb65" height="27" width="320"></embed>
"I Won't Let You Go"


When it's black
Take a little time to hold yourself
Take a little time to feel around before it's gone
You won't let go but you still keep on falling down
Remember how you save me now from all of my wrongs
Yeah



If there's love just feel it
And if there's life we'll see it
This is no time to be alone, alone yeah
I won't let you go


Say those words
Say those words like there's nothing else
Close your eyes and you might believe
That there is some way out
Yeah


Open up
Open up your heart to me now
Let it all come pouring out
There's nothing I can't take


And if there's love just feel it
And if there's life we'll see it
This is no time to be alone, alone yeah
I won't let you go
(Won't let you go)
(Won't let you go)


If your sky is falling
Just take my hand and hold it
You don't have to be alone, alone yeah
I won't let you go
(Won't let you go)
(Won't let you go)


And if you feel the fading of the light
And you're too weak to carry on the fight
And all your friends that you count on have disappeared
I'll be here not gone, forever holding on


If there's love just feel it
And if there's life we'll see it
This is no time to be alone, alone yeah
I won't let you go
(Won't let you go)
(Won't let you go)


If your sky is falling
Just take my hand and hold it
You don't have to be alone, alone yeah
I won't let you go
(Won't let you go)
(Won't let you go)


I won't let you go
I won't let
I won't let you go
No, I won't let
I won't let you go
I won't let you go




Nang matapos ako sa pagkanta ay nanatiling nakatulala ang mga empleyado ko.

 
"O, ba't ganyan ang mga mukha nyo?",tanong ko sa kanila.

 
"Sir, ang galing nyo po palang kumanta 'no?"

 
Tumawa ako. "Marunong lang. Hindi magaling. Ayan si Byron oh, magaling kumanta yan.", sagot ko naman.

 
Nagsimulang pumalakpak si Byron, na sinundan naman ng iba pang mga empleyado.

 
Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.


"Oh, ayan tuloy, namula.", kantyaw ni Byron, saka sabay-sabay kaming nagkatawanan.


Mag-uumaga na nang matapos ang party. Isa - isa na ring nagsiuwian ang mga nagsidalo hanggang sa dalawa nalang kaming natira ni Byron sa opisina. Nagsimula na rin akong magligpit ng mga kalat. Tinulungan naman ako ni Byron.


Nang matapos at masigurong ayos na ang lahat ay umuwi na rin kami ni Byron. Niyaya ko itong sa bahay nalang matulog ngunit tumanggi ito. 


"Sige na Al, mauuna na ako.", sabi nito.


"Ah, sige. Mag-iingat ka sa pag-uwi.", nasabi ko nalang.


Ngunit bago pa man ito makalabas ng pintuan ay bigla itong bumalik at laking gulat ko nalang nang hinalikan ako nito.


Natigilan ako. Maya-maya pa ay napansin kong gumaganti ako sa mga halik nito.


Nang medyo lumalim ang halik ay bigla ko itong itinulak.


Nagulat naman si Byron.


"I - I'm sorry.", sabi nito.


"I - It's okay, we were both drunk. Umuwi ka na Byron.", sabi ko rito.


Tumango lang ito saka umalis din.


"Was it really because we were drunk?", naisip ko.


ITUTULOY.....

Tuesday, June 12, 2012

My Heart Won't Say "NO": Chapter 1

JHAY




This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional. 

PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)

 ***********************************************************

Nagising ako sa dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko sa boarding house. Maingay na sa labas ng kwarto. Marahil ay gising na karamihan sa mga kasamahan ko sa boarding house. Inabot ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.



7:38 A.M.



"Shit!"



Dali-dali akong bumangon.


"Malelate na naman ako nito eh.", naisip ko.


Dali-dali akong nagpunta ng banyo para maligo. Nang matapos ay saka ko naalalang hindi ko ko pala nadala ang tuwalya ko.


"Nate!!", sigaw ko.


"Nate!", sigaw ko ulit.


"Anong problema mo?!! Sarap ng tulog ko eh sumisigaw ka dyan!", asik ni Nathan na isa sa mga itinuturing kong bestfriend.


"Eh, sorry na, kasi, nakalimutan ko 'yung tuwalya ko eh, pakikuha naman oh.", pakiusap ko rito.


"Pakshet!! Binulabog mo ang tulog ko para lang kunin ang tuwalya na nakalimutan mo dahil dyan sa katangahan mo?! Ayos ka rin ah!"


"Sige na. Kukunin mo rin naman eh, andami mo pang sinasabi. Kunin mo na dali, nilalamig na ako dito oh.", sabi ko sabay pa-cute.


"Pakyu! Sa susunod, magdusa ka dyan! Minsan kasi bawasan naman yang katangahan!", sabi nito bago bumalik sa kwarto namin para kunin ang tuwalya ko.


Sanay na ako sa ugali ni Nathan. Sa dalawang taon na naging roommates kami ay alam ko na ang takbo ng bituka nito. Ang totoo nya eh, mabait naman talaga yun. Medyo masakit lang talaga magsalita minsan pero siguradong maaasahan mo yun kapag nangailangan ka. Nang minsan ngang magkasakit ako eh, ito ang walang sawang nag-alaga sa 'kin. Naging takbuhan ko na rin si Nathan sa t'wing may problema ako at kailangan ko ng payo.


Binilisan ko ang pagbihis nang makabalik ako sa kwarto habang si Nathan naman ay bumalik sa higaan nito at napikit ulit.


"Hoy! Hindi ka papasok?", tanong ko rito habang nagbibihis.


"Hindi. Tinatamad ako eh. Isa pa, inaantok pa ako."


"Eh sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yong umuwi ka ng alas cinco ng umaga? Ha?"


Imbes na sumagot ay kinuha nito ang isang unan at itinakip sa taenga nito. Halatang ayaw makinig sa sermon. Ganyan naman palagi yan kapag alam na mali siya eh. Hindi nakikinig.


"Ay naku, bahala ka, basta 'pag ako tinanong ni Solimbad kung saan ka, sasabihin kong tulog."


Agad itong humarap sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin.


"Oh, easy lang. Biro lang naman Nate.", sabi ko sabay ngiti. "Pano, una na ako. Pumasok ka sa Integral Calc ha. Alam mo namang ikaw lang ang pag-asa kong makapasa sa subject na 'yun eh."


Tumango naman ito at muling itinakip sa taenga ang unan na handa niya na sanang ibato sa akin kanina.


 ******************************************************


Nang dumating ako sa eskwelahan ay nagsisimula na ang klase.


"Naku, patay na naman ako nito.", sa isip ko.


"And of course, what should I expect from you Mr. Ergela. Take a seat, get a piece of paper and answer the remaining questions that I am about to ask.", sabi ni Mr. Solimbad nang makita ako nito sa pintuan ng classroom.


"Sorry po Sir.", nasabi ko nalang saka dumiretso sa lagi kong pinipwestuhan sa silid na iyon.


"Pambihira naman oo. Kakasimula palang ng sem eh may quiz na agad!", reklamo ng utak ko.


Mag-dadalawang linggo palang kasi ang klase nang masimula ang first semester pero andami nang nai-discuss nitong si Sir Solimbad. Ambilis. Daig pa si Son Gokou.


Natapos ang quiz na parang lumulutang ako at wala sa sarili, dahil na rin siguro sa inaantok pa ako. 


Nasa gitna ng lecture si Solimbad nang may kumatok sa pintuan. Hindi ko kilala pero sa palagay ko ay halos kasing-edad ko lang ito.


"Hi. Uhm, Is this CSM 7? Algorithm Design and Analysis?", sabi nito.


"Yes. And you are?", tanong naman ni Solimbad.


"Ah, Christian Sir. Christian Atienza."


"Oh, yes, the transferee. I was informed about you. But I didn't expect that you'd come late on your first day here in this institution. Come in and introduce yourself."


Pumasok naman ito at pumunta sa gitna at nagpakilala.


"Good morning everyone. Ako nga pala si Christian Atienza, gaya ng sabi ko kanina, and I'm a transferee from St. Martin's University. I'm 19, single, and available to everybody.", pagpapakilala nito na ikinatawa ng lahat bago bumaling kay Solimbad at nagsalitang muli. "And oh, I was at the Dean's office since 7:30 this morning fixing my schedule that's why I was late Sir."


"Ok. Now find a seat and get comfortable, we're gonna be seeing each other a lot from now on so you better have a rain check on your attitude Mr. Atienza.", si Solimbad. Halatang hindi natuwa dahil nabara ni Christian.


Nagsimula na ulitmag-lecture si Sir. Habang si Christian naman ay naghanap ng mauupuan. Ngunit binabagabag ako ng huling sinabi nito nang magpakilala ito.

 

"I'm 19, single, and available to everybody."



Ano kaya ang ibig sabihin niya nun? Nabasag and pag-iisip ko nang biglang may magsalita sa tabi ko.



"Hi. I'm Christian.", sabi nito na naka all-out smile pa talaga.


"Ah-eh, Jec.", parang tanga kong sagot dito saka muling humarap sa whiteboard.
"At sa lahat ng pwede nyang upuan, dito pa talaga sa tabi ko ha. Ayus din tong isang to ah."


"Uhm, pwede bang humingi ng pabor?", muli nitong sabi. 


"Ayos rin to ah, close ba kami para humingi ng pabor sa 'kin?!", reklamo ng isip ko.


"Ah - eh, basta hindi pera. Pulubi lang ako.", sagot ko rito.


"Pwede bang, makipagkaibigan ako sa'yo. Wala pa kasi akong kilala dito eh, magmumukha akong tanga tuwing klase at breaks kung ako lang mag-isa ang pagala-gala dito sa school pag ganun.", sabi nito saka muling ngumiti.


Hindi nakaiwas sa 'kin na maganda ang ngiti nito. Saka ko lang rin napansin na gwapo talaga ito. He has a kind of messy hairdo pero straight ang buhok, yung parang Adam Lambert lang na style. He has pinkish lips na slightly manipis. Medyo makapal rin ang kilay nito na talagang nagpalabas ng mga mata nito. He has brown eyes.

 "So what do you say?", tanong ulit nito nang hindi ako nakasagot.



"Ah -, s-sige ba.", sabi ko.



"Why do I hear talking?!!!", bulyaw ni Solimbad dahilan para mapako ang atensyon ng lahat sa kanya.



Nagkatinginan kami ni Christian at maya-maya pa ay sabay na napangiti.




Nang matapos ang klase ay saka rin dumating si Nathan. Tinawag ako nito mula sa labas ng classroom. Pinuntahan ko naman 'to.




"Anong meron?", tanong nito.




"Ha?", pagtataka ko.




Itinuro naman nito ang loob ng classroom. Lumingon ako at nakita kong pinagkakaguluhan na pala si Christian ng mga kaklase naming babae at bakla.




"Ahhh, may transferee kasi. Ayun, pinagkaguluhan."


Napatango naman si Nathan.


"Oh, canteen muna tayo. 30 minutes break pa naman bago sa next subject di ba?"


"Sige. Kukunin ko lang bag ko."


Dali-dali kong kinuha ang bag ko sa upuan ko at saka binalikan si Nathan.


"Tara.", yaya ko rito.


May tatlong classroom na rin ang nalalampasan namin ni Nathan nang may tumawag sa akin mula sa likuran.


"Jec!", si Christian.


Nilingon ko naman ito. Tumakbo ito patungo sa amin ni Nathan.


"Akala ko ba sabay tayo, eh iniwan mo naman ako eh.", may pagtatampo nitong sabi.


"Ah eh, busy ka pa kasi kanina eh. Akala ko gusto mo munang makilala ang mga kaklase natin.", sagot ko naman.


"Ehem.", pagtikhim ni Nathan na panandalian kong nakalimutan.


"Ay, oo nga pala. Christian, si Nathan nga pala, best friend ko. Nathan si Christian, bago nating kaklase.", pagpapakilala ko sa dalawa. 



"Hi.", nakangiting wika ni Christian saka inilahad ang palad nito.



"Hey.", sagot naman ni Nathan ngunit imbes na tanggapin ang kamay ni Christian ay naglakad na ito patungong canteen.



"Pagpasensyahan mo na yun ha. Ganyan talaga yan, kahit sa 'kin nong first year palang kami. Ni hindi nga talaga sumagot yun eh, tiningnan lang ako tas umalis.", paghingi ko ng dispensa kay Christian.



"Ah, ganun ba. Nakakatakot naman 'yung bestfriend mo.", sabi nito na ikinatawa ko.




"Masanay ka na. Magiging kaklase mo rin yun."



Isang batok ang natanggap ko mula sa likuran.

 

"Ayos kayo no, kung pag-usapan nyo ako parang wala ako dito ah.", si Nathan.



"Aray naman Nate, masakit yun ah. Tara na nga. Punta na tayong canteen. Sumama ka na rin Chris."



"Ah eh, ayos lang ba?", paninigurado nito saka tumingin kay Nathan.




"Ayos lang yan, di ba Nate? Isama na natin to, para naman tropa na tayo.", sabi ko naman.



"Hindi naman ako tumutol ah."



At nagpunta na nga kami ng canteen.



****************************************************




ITUTULOY.....