Thursday, October 11, 2012

My Heart Won't Say "NO": Chapter 2


JHAY


This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional. 

PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)

Pasensya na rin sa suuuper tagal na update..

 ***********************************************************


Iyon ang una naming pagkikita ni Chris. He was a real funny guy. Lagi niya akong napapatawa despite the pressures that I receive from school. In time, we became really close. TOO CLOSE.


Taon rin ang lumipas at mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin ni Chris at Nathan. Ngunit kasabay ng paglalim ng pagkakaibigan ay ang nararamdaman kong paghanga kay Chris.


"Jec, seryoso ako. I wanna be your boyfriend.", si Chris.


Naiwan akong nakanganga sa sinabing iyon ni Chris. Hindi ko alam kung ginu-good time lang ba ako nito o talagang seryoso ito.


"Naku Chris, tigilan mo nga ako sa panloloko mo, kilala kita, hindi uubra sa akin yang mga trip mo.", sagot ko rito saka tumawa.


Bahagya namang nalukot ang gwapo nitong mukha. Napansin ko ito.


"Oh, ba't ganyan yang mukha mo?", tanong ko rito.


"Wala!", pagalit nitong sagot.


"Oh eh bakit galit?!", balik ko rito ngunit hindi ito sumagot.


Nang hindi na talaga ito sumagot ay dun ko napagtantong seryoso nga ito.


"Bakit?", tanong ko rito.


Napatingin ito sa akin. 


"Anong bakit?", takang tanong nito.


"Bakit ako? Hindi ba't napakarami namang nahuhumaling sa'yo? Babae, lalake, bakla, lahat sila nagkakagusto sa'yo. Ba't ako napili mo?"


"Dahil ikaw ang gusto ko. Walang mangyayari dahil lang sa may gusto sila sa akin kung hindi ko sila gusto."


"At papaano ka naman nakakasigurong may gusto rin ako sa’yo? Ikaw na mismo nagsabing hindi rin uubra dahil wala kang gusto sa kanila. What if wala rin akong gusto sa’yo? Pano uubra?”


Ngumiti ito.


“Eh sa’yo na mismo nanggaling na may gusto ka sa akin eh.”, sabi nitong nakangisi.


“Ha? I don’t remember saying I like you. At saka hindi ba ang weird nung relasyong lalake sa lalake? Ano nalang ang sasabihin ni Nathan sa atin.”


“Well, I think you do like me. And yes, it’s weird. But we will make it work. And Nathan will just be happy that you’re happy with me.”, sagot nito.


“Ang kapal rin talaga ng mukha mo no? Hindi ko alam kung puro nalang ba talaga hangin yang laman ng utak mo.”,sabi ko rito. “Dyan ka nalang nga at marami pa akong gagawing mas importante kesa makipaglokohan sa’yo!”, iyon lang ang nasabi ko at saka umalis.


Pero nang makaalis ako, hindi naman maiwasan ang kabog ng dibdib ko. Yes, I like Chris. But I also know how complicated these kinds of relationships are. Kung kaya mas minabuti kong huwag nalang itong patulan. Pero hindi ko inaasahang pangit pala ang magiging epekto ng ginawa ko sa aming pagkakaibigan.


Kinabukasan ay hindi ko man lang nakita si Chris. Kahit anino nito’y walang may makapagsabi kung saan mahahagilap. Sa mahigit isang taon naming pagkakaibigan ni Chris ay alam ko na ang takbo ng utak nito. Kung wala ito sa eskwelahan, malamang, nasa pantalan.


Abandonado ang pantalan malapit sa amin. Madalas kami kung tumambay roon. Bukod sa masarap sa pakiramdam ang hangin ay maganda rin ang mga tanawin.
Kung minsan nga eh naliligo kami at ginagawing diving board ang pinakadulo ng pantalan. Marami nang masasayang alaala ang naidulot ng pantalan. Ngunit sa t’wing nalulungkot kami, ay ditto rin kami nagpapalipas ng oras.


Dali-dali kong pinuntahan ang paborito naming  tambayan sa pantalan at hindi nga ako nabigo. Nakita ko si Chris. May katabing bote ng alak at humuhithit ng sigarilyo.


Nilapitan ko ito. Naupo rin ako sa tabi niya. Nanatili itong tahimik kung kaya’t ako na ang bumasag sa katahimikan.


"Alam mong ayaw ko ng naninigarilyo ka.",sabi ko.


Nanatili itong tahimik.


Bumuntong - hininga ako.


"Pinag-isipan ko ang sinabi mo. Tama ka. May gusto nga ako sa'yo. Matagal na. Hindi ko sinasabi dahil - dahil maraming dahilan. Ang sasabihin ng ibang tao, ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko. Magiging tingin sa akin ng mga tao."


Napatingin ito sa akin at nagsalita.


"Eh bakit mo iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Sila ba ang nagmamahal? Sila ba'ng magdedesisyon para sa'yo?"


"Aminin na natin Chris, hanggang ngayon, alam mong hindi tanggap ng karamihan ang ganitong relasyon. Maraming kokontra."


"That's why I'm asking you to take a chance with me. Please."


"I'm still scared. But I'm going to take this risk Chris. But only under my conditions."


Nagliwanag ang mukha nito.


"What? I'll do anything."


"You will stop smoking."


"Done!"


Iyon lang at bigla itong yumakap sa akin sabay halik.


"Oops! Bawal yan! Walang halik-halik! Nagsabi ba akong pwede yung mga ganyan ganyan na yan ha??!!", sabi ko rito dala ng pagka-gulat nang halikan ako nito sa labi.


"Anong bawal? Eto?", at muli nitong inilapat ang mga labi nito sa mga labi ko.


At sabay kaming nagkatawanan.


ITUTULOY.............





No comments:

Post a Comment